Chasing Cars

An hour ago he was proposing
And now… and now he’s going to the morgue
Isn’t it ridiculous?
Isn’t that the most ridiculous piece of crap you’ve ever heard?

May 2006. Grey’s Anatomy Season 2 Finale. Una kong narinig ang Chasing Cars. Sa panahong nagdadrama si Izzie Stevens sa pagkamatay ni Denny. Sa panahong nagdadrama din ako.

Sa pagkakatanda ko, ‘eto yung panahon na wala akong magawa sa buhay ko kundi mag-intay sa’yo kahit alam ko namang ‘di kita makikita dahil ‘di mo naman alam na nag-iintay ako. Nag-intay ako buong magdamag sa tapat ng building n’yo, umaasang tama ‘yung schedule na binigay ng kapatid mo kapalit ang 30 pesos na load. Oo, kapalit ang 30 pesos na load, hahahaha. ‘Di ko alam kung sino sa mga kapatid mo ang nakatext ko nun. Sinubukan ko itext dati lahat ng number na ginamit mo pangtext sa akin. At yun may nagreply naman. At nagkasundo kaming ibibigay nya ang schedule mo sa work kung padadalhan ko s’ya ng load. Hahahaha, kso mukhang napagtripan lang ako dahil namuti na ang mata ko, ‘di kita nakitang pumasok o lumabas sa pintuan ng building n’yo.

‘Eto rin yug panahon na nag-iintay ako sa McDo sa Philcoa, kahit ‘di ko naman sigurado kung ikaw ang nakakabasa ng text ko na nag-iintay ako sa’yo. Naawa naman sa akin, may nagreply na ‘di ikaw ang nakakareceive ng text ko. Pero nag-intay pa din ako. Nagbabakasakaling iforward sa’yo ang text ko at maisipan mong puntahan ako.

Ewan ko ba. Baliw-baliwan portion lang. Sa pagkukulong ko sa loob ng bahay pagkatapos ng series ng mga pag-iintay, natapos ko sa loob ng 4 na araw ang dalawang season ng Grey’s Anatomy. At tinapos ko ang pag-aadik ko sa madramang pagkamatay ni Denny na Chasing Cars ang background.

Chasing Cars din ang sounds ng Friendster profile ko dati.

2009. Kasama ‘to sa Acoustic Sessions Vol. 4 ng Boyce Avenue.

2010. Kinanta ng One Direction sa X-Factor.

2011. Kasama sa mga kinanta sa Song Beneath the Song episode ng Grey’s Anatomy.

2012. Ending song ng pelikulang The Mistress ni John Lloyd.

2015. Grey’s Anatomy uli. Sa pagkamatay ni McDreamy.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me
and just forget the world?
Kung sana ganun lang kadali kalimutan ang mundo.
—————————————————-
February 05, 2018:
Ngayon ko lang napansin na na-mention pala ‘to ni Ed Sheeran sa kanta n’yang All of the Stars, ang unang track sa soundtrack album ng The Fault in Our Stars nung 2014.Ā 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

4 thoughts on “Chasing Cars”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: