100 Tula Para Kay Stella

ang aking imaginary girlfriend 100 tula para kay stella mga sulat para kay elsie

Hindi ito movie review.

__________________________________

Nakita ko ‘yung trailer. Napakinggan ko ‘yung mga kantang kasama sa pelikula. May speech defect ang bida at nagsusulat ng tula. Maganda si Bela.

Enough nang reason para panoodin ko.

Saksi ka naman sa pagiging addict ko sa mga pelikula. Basta na-curious ako, papanoodin ko na. ‘Yun ngang unang movie na niyaya kita, dahil lang sa mga magaganda at sexy na babaeng nakita ko sa trailer kaya gusto ko panoodin. Babaw ‘di ba?

Nakakatuwa lang k’se college days ang setting. So ayun, s’yempre ikaw nanaman ang maiisip ko. Mid 2000s, panahon ng Nokia phones at Friendster, na ikaw pa din ang pinapaalala.

May 100 tula si Fidel para kay Stella.

Ako? Pang-82nd post na ‘tong sinusulat ko. May sulat, tula, kanta, drawing at kung anu-ano pa ang nilagay ko dito. Siguro aabot din ‘to ng 100. Baka lumagpas pa nga.

Umaasa si Fidel na kapag binigay n’ya ang 100 tula sasagutin na s’ya ni Stella.

Ako? Umaasa ba ako?

Sadyang minahal ni Fidel ang Stella na nasa mga tula n’ya.

Kaya napatanong nanaman ako sa sarili ko; mahal ba kita o mahal ko ang Elsie na nasa mga sulat ko? Nag-exist ka ba talaga o sadyang imaginary ka lang? 

Sapat na ba ang 100 tula?

O mas tama sigurong magiging sapat ba ang pagmamahal ko? O magiging sapat ba ako?

Sumusulat ako sa’yo, hindi para mapabilib ka. Paano ka namang bibilib eh lahat-lahat, pati pagiging loser ko, kinukwento ko sa’yo dito. Sumusulat ako sa’yo, hindi para sagutin mo na ako. Paano mo naman ako sasagutin eh hindi pa nga ako nanliligaw. Ska ‘di pa man ako nanliligaw, nabasted mo na ako, ‘di ko na lang binibilang kung ilang beses. 

Sumusulat ako sa’yo para malaman mong iniisip kita. Para malaman mong mahal kita. Kaso kahit gaano pa kadami ang masulat ko sa’yo dito, ‘di pa din nagiging madali na sabihin sa’yo personally o kahit man lang sa whatsapp. Kaya nagkakasya na lang ako na alam mong nag-eexist ang mga sulat na ‘to. Wala mang kasiguraduhang nababasa mo, ang importante nasabi ko. Umaasa na lang ako na minsan maisip mo din ako at maisip mong basahin ang mga sulat ko.

Dati, sabi mo, ‘di sapat ‘yung nararamdaman mo para mahalin mo ako. Ngayon, sabi mo, iba na k’se ang sitwasyon. Nung napanood ko ‘to, naisip ko, mabilis lang talagang maging “hindi na pwede” ang “hindi pa puwede”.

Masarap sumulat sa’yo pero may mga pagkakataong dapat nagsalita na ako.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

5 thoughts on “100 Tula Para Kay Stella”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: