228 of 365

One month na lang birthday mo na. Eto nanaman ako, mas excited pa sa’yo. Ewan ko kung nakasanayan ko lang o sadyang naka-automatic reminder sa utak ko. Basta September, ikaw na agad ang maiisip ko. Nakakatawa ngang tuwing magtatapos ang August, o nasa kalagitnaan pa lang tulad ngayon, paulit-ulit na si Green Day… Wake Me Up When September Ends na ang theme song. 

Ewan ko ba kung anong meron sa birthday mo. Samantalang birthday ko nga, ‘di naman big deal sa akin. Siguro nakasanayan ko na lang. Dahil sa lingering feelings siguro. O sa residual feelings? 

Or simply because it’s a happy memory. 

Kahit ‘di ko na maalala yung details, alam ko masaya ako that time. Ewan ko, maybe it was your smile that day, or your laugh. Siguro yung eyes mo, or your voice. Alam ko, wala naman nagbago sa’yo compared with the past months na classmate kita. But that day was different. That day you became my favorite person. Sobrang highschool ‘no? Siguro nga. Sobrang highschool nung feeling. As if it was the first time na nakita kita. Parang kanta ng Parokya.

dahan- dahan nag-iba ang pagtingin ko sa’yo,
gumanda ka bigla at ang mga kilos mo’y nakakapanibago
napansin ko na lamang na nalalaglag ang aking puso
bad trip talaga! na- i- in lab ako sa ‘yo!
tuwing kita’y nakikita ako ay napapangiti, para bang gusto kong halikan ang iyong mga pisngi

Minamahal kita, bakit ‘di ka maniwala

At parang highschool lang, kinantahan pa kita ng mga linyang yan, kasama pa ng mga kantang This I Promise You at Nothing’s Gonna Stop Us Now. Pero yun nga, hindi mo naman alam na para sa’yo.

Pasensya na kung ginagawa ko laging big deal ang birthday mo. Ganto lang talaga pag sobrang nagpapasalamat sa Bathala para sa araw na nilagay ka sa roster ng mga tao sa planetang Earth at nilagay ka sa roster ng mga makakasalubong ko. 

Ska anniversary ‘to ng feelings ko para sa’yo. Mahirap man idefine o ijustify. 

Advertisements

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

7 thoughts on “228 of 365”

    1. Minsan iniisip ko rin kung nag-eexist ba s’ya o imagination ko lang ๐Ÿ˜‚. (Salamat at binigyan mo ako ng idea para sa susunod kong sulat๐Ÿ˜‰)Long distance kaya no chance masabi ng personal… I really wanted to tell her these things kahit man lang through whatsapp, pero baka makulitan lang at iblock ako. Pero alam naman na nya na nag-eexist ‘to, after almost a year ng mga sulat. Okay na din ‘to, pwede nya basahin anytime na gusto nya. Okay na din ‘to, ‘di ko mararamdaman ang feeling ng seen-zoned o not-seen-at-all ๐Ÿ˜‚.
      Ayaw nya maniwala na mahal ko s’ya. Siguro words were never enough. ๐Ÿ’”

      Liked by 3 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s