Ilang minuto ko ding tinititigan ang phone ko.
‘Di ko alam kung ano ang iniintay ko.
Mag-aalas tres na ng madaling araw.
Pero ewan ko ba, nag-iintay pa din ako.
Gusto ko sabihin na tulog ka na… Gusto ko sabihin na wag ka masyado magpuyat…
Pero buti na lang napigilan ko ang sarili ko. Ilang ulit ko sinabi sa sarili ko na: masasaktan ka lang ‘pag ‘di ka nireplyan, kaya wag na. Tama na k’se, ‘di na s’ya natutuwa. ‘Wag ka insensitive, ‘wag kang in-denial. Tanggapin mo na. Tama na.
Paulit-ulit kong sinabi ang mga salitang yun sa sarili ko hanggang makatulog na lang ako.
Akala ko paggising ko magiging okay na ako.
Pero hindi.
Tinitigan ko lang uli ang tinitigan ko kagabi.
_________________________________________
May nagmessage sa akin dito at sinabi n’yang from Abu Dhabi daw s’ya. May sinesearch lang daw s’ya at nadaanan n’ya ang site na ‘to. ‘Di nya daw alam kung ano’ng pumasok sa isip n’ya para imessage pa ako pero sa ikaluluwag daw ng kunsensya nya ay ginawa na lang n’ya. Baka daw mag-assume akong ikaw ang nagbasa dahil magrereflect na may UAE visitor dito. S’ya lang daw yun, ‘wag daw akong feelingero, wag daw akong umasa.
Hahahahaha natawa talaga ako. ‘Wag daw akong feelingero, wag daw akong umasa.
Wake up call ko na ba ‘yun?
Ilang wake up call ba ang kailangan ko?
Kailangan ko ba talaga nun?
O sadyang ikaw lang talaga ang kailangan ko.