Di ko alam kung ano’ng meron sa’yo. Di ko alam kung bakit mahal kita. Di ko alam bakit nagsusulat pa din ako. Di ko alam kung nag-iintay pa din ba ako.
Siguro sadyang nasanay na lang ako na sumulat sa’yo. Wala naman akong ibang susulatan. Saka bakit naman ako susulat sa iba? Hahahaha. Wala pang dumadating na magbibigay sa akin ng rason para sumulat. Sadyang ikaw lang. Ikaw pa din.
Nabasted na pero nagsusulat pa din.
Di naman siguro yung nanliligaw lang ang pwedeng sumulat. Di naman siguro kailangang manligaw para magsabi ng mahal kita. Pwede naman siguro na sumulat pa din. Pwede naman siguro na mahalin ka pa din.
Di mo naman kailangang basahin. Sa kung paanong di mo naman din ako kailangang mahalin.
Okay na ako na alam mong mahal kita. Okay na rin siguro kahit di mo alam na mahal pa din kita. Okay na akong alam kong mahal kita. Okay na akong mahal kita.
Magiging masaya akong makita kang maging masaya. Walang halong kaechosan yun. Matatahimik na ang kaloob-looban ko pag okay ka.
Pasensya na kung may mga sulat pa din dito. Pasensya na kung mahal pa din kita. Akala ko matatapos na sa pagkabasted. Pero hindi pa din. Akala ko matatapos na pag pinaramdam mong wala lang talaga ako sa’yo. Pero hindi pa din. Pasensya na kung sobrang insensitive kong ayaw mo sa akin. Pasensya na kung lagi akong nasa in-denial stage na di mo ako mahal.
__________________________________
366 days na mula nung una kong sulat dito.
3,062 days na mula nung huli kitang nakita.
70 days na lang birthday mo na.