186 of 365

Sobrang lakas ng ulan dito. Malakas ang hangin. Malamig.

Sabi ni Google, dyan daw ay mostly sunny, 40° at walang clouds. In short, mainit.

Sadyang magkaibang-magkaiba ang nararamdaman natin sa oras na ‘to. Lagi naman. Kelan mo ba naramdaman ang nararamdaman ko?

Kumusta na ba ang puso ko mula sa pang-nth time mong pagbasted? Okay naman s’ya, no choice naman s’ya kundi patuloy pa ring tumibok at mag-pump ng dugo sa mga ugat sa aking katawan. Ang katawang lupa ko ay nakikipag-date naman, nagpapa-cute, at nagpapaka-feeling pogi. Oo, nakikipag-date s’ya. Ewan ko ba, sadya atang may ibang enerhiya ang pagiging basted na nagiging gwapo s’ya sa ibang tao. Hahahahaha. Seryoso. Mukhang may agimat na binibigay ang pagiging basted, k’se kumakapal ang mukha ng katawang lupa ko.

Ngayon ko lang na-realize gantong-ganto ako sa twing nababasted mo ‘ko… Parang si Popoy na makikilala si Trisha.

She loved me at my worst, you had me at my best yet you chose to break my heart.

Linya ni Popoy yan.

Di ko linya.

You never had me at my best. Sobrang lahat ata ng low points ko ang alam mo. Kaya nga siguro sobrang insecurity ang nararamdaman ko pag ikaw na. Samantalang kayang kaya ng katawang lupa ko na magpaka-feeling gwapo sa iba. At matatagpuan ko na lang ang katawang lupa ko na in relationship sa taong ‘di ko alam kung anong nakita sa akin.

Ewan ko ba kung ano ang meron sa katawang lupa ko na laging naghahanap ng comfort ng iba para lang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng kaloob-looban ko. Natatalo ang guilt ng pangangailangan na may makasama. Alam kong makakasakit nanaman ako. For the nth time gan’to nanaman ang binagsakan ko.

Gago ko lang talaga.

Of all the people, ako dapat ang nakakaalam kung gaano kasakit ang magmahal at umasa. At ‘di ko dapat gawin sa iba ang alam kong makakasakit lang sa kanila.

Pero eto pa din.

Nagsesettle nanaman ako. Nagsesettle nanaman ako sa kung anong ihain sa akin ni Mother Fate.

Sinabi ko dati, gagawin ko nang tama ang pag-iintay ko sa’yo. Paano mo malalamang nag-iintay ako kung may karelasyon naman akong iba. Nakaka-isang taon pa lang akong walang karelasyon. Isang taon pa lang na tama ang ginagawa kong pag-iintay. Susuko na ba talaga ako sa’yo? Natapos na ba ang pag-iintay ko sa’yo?
__________________________________________________
She said I love you.
Sabi ko, natutuwa ka lang.
Sabi nya, hindi, mahal kita, matagal na.
Sabi ko, andito lang naman ako lagi, mag-kaibigan naman tayo.
__________________________________________________
Wala akong sariling maibibigay sa kanya. Alam ng kaloob-looban ko, nag-iintay pa din ako sa’yo.

Advertisements

Author: bughawblueasul

inlove kay Elsie... inlove sa mga bagay na korni at may hugot... nag-aral ng IT pero nagtatrabaho sa kusina pero binubuhay ng pagsulat...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s