Kumusta? Wag ka mag-alala, okay lang naman ako. As if naman iniisip mo kung kumusta naman ako. (Hahahahahaha… At isang malalim na inhale-exhale.) Ilang beses naman nang ganito, alam ko namang mabubuhay pa din ako. At alam ko yun din naman ang iniisip mo, na mabubuhay pa din naman ako kahit wala ka, nabuhay naman ako nang wala ka, kakayanin kong wala ka.
Siguro nga, kaya ko naman mabuhay na ‘di ka nag-eexist sa buhay ko. Siguro nga ‘di na rin natin kailangan pang maging magkaibigan. Dahil sabi mo nga, iba na ang sitwasyon ngayon. ‘Di ko na kailangang kumustahin ka pa o imessage ka. At ‘di ko na din kailangang mag-intay pa sa reply mo. ‘Di ko na kailangang mag-intay sa’yo.
Hahahaha. As if naman masasabi ko ang mga linyang yan sa’yo. E kahit naman paulit-ulit na lang akong nababasted, nag-iintay pa rin ako sa’yo. Kahit walang reply, magmemessage pa din ako. Kahit ‘di mo ako kayang mahalin, mamahalin pa din kita. Kahit ‘di mo naman binabasa, magsusulat pa rin ako.
Siguro nga, magpapatuloy pa din yung buhay ko, siguro magkakaroon din naman ako ng ibang karelasyon, katulad din ng dati, magpapalit ng phases ang moon sa kalangitan, tatanda nanaman tayo, dadaan ang pasko at bagong taon na wala man lang tayong hi o ho.
Pero siguro mahal lang talaga kita, at mamahalin pa din kita.
I just love you that I can’t hate you for breaking my heart.