171 of 365

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

Ilang oras din ang lumipas bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na ipadala ang linyang ‘yun.

Basta kahit anong mangyari, lagi mo tatandaan mahal na mahal kita.

Nagulat akong nagreply ka. Speechless ba? Sabagay nga, after all these years eto pa din ang linya ko.

Expected ko na ‘di ka naman maniniwala, kung paanong ‘di ka naman naniniwala noon pa.

Hindi naman. Kaya lang iba na kse ang sitwasyon natin ngayon.

‘Di ko alam kung bakit masakit ang mga salitang yan. Kung bakit kahit gaano ko katagal titigan, mahapdi pa din. Ibang-iba na nga siguro. O siguro eto yung palaging linyang “We just grew apart”. Ibang-iba ka na sa taong nakilala ko 17 years ago. At siguro mas tamang sabihin kong: I was never that one you met 17 years ago.

Di pa ko nanliligaw, basted na ko for the nth time. For the nth time na pero palaging parang first time. Nadudurog pa din. Iiiyakan pa din. Nakakatawang nung nalaman kong ‘di mo pa nababasa ang mga sulat ko, tumawad pa ako ng extension sa pagkabasted. Hopeless case na talaga ‘ko. Pinapabawi ko pa sa’yo ang pagkabasted ko. Para namang may magbabago kung mababasa mo ang mga sulat ko. Ang sarap batukan ng sarili ko.

Matagal-tagal ko na ding iniisip na nababasa mo na ang mga sulat ko dito. Sadyang wala lang talagang reaksyon. Parang ayoko ngang maniwala nung sinabi mong ‘di mo pa nababasa, na di mo alam ang existence ng mga sulat na ‘to. Siguro k’se okay na ko dun sa alam kong nababasa mo, na alam mo yung nararamdaman ko, ‘di katulad dati na ‘di ko man lang nasabi. Sadyang pinanganak ata talaga akong assumero. Dahil lang sa may nag-aappear na UAE ang location sa mga visitor dito, inassume ko nang ikaw. Ang sarap talagang batukan ng sarili ko.

Kung nabasa mo na ang mga laman ng mga sulat ko sa’yo, ‘di ko na siguro kailangang sagutin pa yung tanong mong paano ko malalaman kung sino ang happy ever after ko. Maiintindihan mo na rin siguro kung bakit ibaban ko na ang happy ever after. At maniniwala ka na siguro pag sinabi kong Ikaw lang naman… Ikaw lang lagi.

‘Di ko alam kung anong klase bang sitwasyon ang magiging tama para pwede mo na akong mahalin. O kung anong klaseng sitwasyon ba ang kailangan para matutunan mo akong mahalin. Pero siguro ‘di na importante yun. Sadyang may unrequited love story. Tinanggap ko na yun, matagal na, ewan ko ba kung bakit nagiging ganito pa din. Meron pa ring parteng umaasa. Siguro partial pa lang ang ginawa kong pagtanggap. Ngayon officially dinudurog ko na ang puso ko para mabuo ko na ang installment na acceptance.

Mahal kita, Elsie.

Kahit ‘di maging tayo. Kahit ‘di mo maramdaman. Kahit makalimutan mo na ‘ko.

Ikaw lang naman… Ikaw lang lagi.

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: