Napanaginipan kita kanina. (Nagbunga na rin ang matindi kong pag-iisip sa’yo.) Nakakatawa kse nagsimula sa Dubai ang setting napunta ng Montalban. What to expect, panaginip nga. Di ko lang alam kung ano ang meron sa Montalban.
Kso hanggang panaginip, sobrang loser ko. Nung sabi mong aalis ka na, automatic ang luha ko. Pinipigil ko, kso gusto talaga umagaw ng eksena. Yung pakiramdam na sumabog ang puso ko at bigla na lang huminto sa pagtibok.
Hanggang magising na ‘ko.
Nakita ko na ang senaryo pag nagkita tayo. Yung wala ka namang sinabi. ‘Di mo naman ako binasted. Pero alam ko, change is coming. Na kahit nagpaalam ka lang naman na uuwi ka na, pakiramdam ko yun na ang huli. Wala ka namang sinabi pero nagpadala ka ng tone-toneladang mensahe sa isang tingin mo.
Di ko alam kung gaano kita kamahal na magiging ganung kasakit. Na hanggang paggising ko, damang-dama ko pa din. Siguro totoo nga yung may mga namamatay because of the broken heart kse sobra nga yung sakit. Tumatagos. Iba yung hapdi. Walang sapat na salitang makaka-describe ng moment na ‘yun. Kulang yung salitang napakalungkot. Kulang yung salitang darkest.
Matagal ko nang kinundisyon ang utak ko sa magiging ending ng kwentong ito. Di lahat happy ending. Di lahat ng gusto, makukuha. Di lahat ng mamahalin, mamahalin ka in return.
Pero sadyang kahit gaano ko ihanda ang isip at puso ko sa tagpong yun, di pa din pala magiging madali. Masakit pa din. Madudurog pa din pala ako. Inisip kong pag dumating ang time na magkita tayo marerealize ko nang ‘di naman pala talaga kita mahal. Pero hindi pala. At that moment na nakita kita, gusto ko na ng happy ending. Ayoko nang mawala ka.
At that moment na gusto ko na ng happy ending nagkaroon ng ending. Kso walang happy. Ending lang. Naging pinakamalungkot na moment yung moment na nagdecide akong maging masaya.
Broken. Shattered. Crushed.
And then my heart just stopped.
_________________________________________________________________