Ayoko na munang makita ka
Ayoko na munang makasama ka
Gusto ko sanang mapag-isa
Di na yata tayo masaya
Di na yata kakayanin pa
Gusto ko munang mapag-isaSiguro ito na nga
Intindihin mo na
Kailangan lang natin ng pahingaPalayain ang isa’t isa
Kung tayo, tayo talaga
Hindi ito hugot. Wala ring connect sa ating dalawa ang mga linyang nasa itaas. Sadyang ‘di ko alam kung paano sisimulan ang sulat ko sa’yo, kaya inintro ko na lang at pinilit iconnect ang kantang Cool Off ng Session Road. Independence Day naman, pagbigyan mo na. 😂
Sadyang gusto ko lang talaga sumulat sa’yo.
Ewan ko ba kung bakit nahihirapan akong mag-umpisa samantalang napakaraming bagay naman ang tumatakbo sa utak ko. Ang dami kong gustong ikwento sa’yo. Ang dami kong gustong itanong sa’yo. Pero yun, lagi pa rin bumabagsak sa kumusta at kumain ka na ba.
At minsan lang ako magmemessage, epic fail pa.
Umpisa pa lang sa kumusta. Antagal kong pinag-isipan kung magmemessage ba ako o hindi… Mga 48 days. Para akong tongiks na nagtanong pa sa mga online yes or no generators kung magmemessage ba ako o hindi. At yun, nagdesisyon akong mag-message. Simpleng kumusta. Ilang minuto din ang lumipas bago ako nakapili ng smiley na isasama sa kumusta.
kumusta? 😋
Nasend ko na ska ko nakitang 😋 pala ang nasend ko. Sa isip isip ko… 😋 talaga?! Sa dinami-dami. Sa tinagal-tagal ng pagpili ko… 😋 talaga?!
Nakahinga na lang ako ng maluwag nung nagreply ka. Di mo naman napansin. (O sadyang ako lang talaga ang nagbibigay ng issue sa 😋.)
Epic fail #2
Luto ka kahit instant noodles para naman makakain ka, ska pagpawisan ka😉
Reply mo: Utusan daw ba ko 😐
‘Di ko alam kung anong pagkakaintindi mo sa message ko. Kaya binasa ko uli ang message ko kung tunog nag-uutos ba ako. Paano ko ba palalambingin ang linyang yun? Dapat ata inindicate ko [In Malambing Tone]. Malambing kse dapat ang linyang yun. Ang goal ng linyang yun ay malaman mong gusto kong makakain ka ng mainit na sabaw para pagpawisan ka at para maging okay ang pakiramdam mo.
O sadyang epic fail yung linyang pagpawisan ka?
Inisip mo bang gusto kong pagpawisan ka sa pagluluto ng instant noodles?
O sadyang ako lang ang may paniniwalang ookay ang pakiramdam kapag pinagpawisan sa paghigop ng mainit na sabaw?
O sadyang ako lang ang nagbibigay ng issue sa usaping ito. Wala lang naman para sa’yo.
Moral of the story: Hindi lahat naidadaan sa message. Hindi laging it’s the thought that counts. Minsan, o madalas, kailangan ng aktwal na paggawa.
Kaya madalas inaabot ako ng ilang minuto, o oras, o minsan inaabot pa ng araw sa pag-iisip ng imemessage sa’yo. Walang emoticon o emoji ang nagiging sapat. ‘Di naman tinatanggap ang damdamin ko as attachment sa WhatsApp. Sadyang kulang ang mga salita para sa gusto kong ipadama sa’yo.
Hanggang gan’to na lang ba ang kaya ko?