159 of 365

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa utak ko at naisipan kong itype kay Pareng Google ang mga salitang: How to make a girl fall in love with me.

Napaisip ako kung kailangan ko ba talaga mag-research tungkol sa bagay na ‘to? ‘Di pa ba sapat ang mga buhay na karanasan para malaman ko kung ano ang dapat at ‘di dapat gawin? O sadyang may mga tanong lang sa isip ko na hanggang ngayon wala pa ding sagot.

As expected nangunguna sa search results si Wikihow, ang hari ng kasagutan sa lahat na ata ng How. Meron pa s’yang nalalamang pagsisimula sa Understanding Attraction. Sabagay, mas maganda naman ngang ilatag muna ang mga syentipikong batayan ng attraction.

Pero mas natuwa akong basahin ang article na 18 Foolproof Ways to Make a Girl Fall in Love with You. Foolproof daw eh, kaya sige basa.

#1 Don’t rush it. Take your time and play it cool. Never ever make your intentions too clear to the girl you like, and don’t be overeager to pour your feelings. Maniniwala ba ako dito? Hahaha. Parang hindi naman. Di ka nga naniwala nung sinabi ko na sa’yong mahal kita k’se iniisip mong kaibigan lang ang tingin ko sa’yo. Inisip mo pang malungkot lang ako kaya kita niyaya mag-sine dati. So maniniwala ba ako dito? Mukhang niliko nito ang landas ng pagpaparamdam ko sa’yo. Baka kung sinabi ko dati, baka iba ang naging istorya. Pero yun nga, wala na tayong magagawa pa sa nakaraan.

#2 Just the right amount of attention. Don’t drop all your commitments and give her all your attention all the time. That’s the easiest way to make a girl get bored of you really soon. Nasobrahan ko naman ‘ata ang paggawa sa bagay na ‘to. Kaya ngayon ang hirap na bumawi. Mahigit one month na kitang ‘di kinakamusta dahil sa just the right amount of attention na yan. Smiley banging head against the wall

#3 Love yourself. Paniguradong failed na ko dito dahil sa mga senti modes ko dito sa mga sulat ko sa’yo. Bakit ba k’se sinasabi ko pa lahat ng pagiging loser ko sa’yo? Pero yun na yun, siguro bawi na lang next time. Smiley banging head against the wall

#4 Let her see that you have a life. Failed nanaman. Eh sinusulat ko pa sa’yo kung paanong kailangan ko pang iischedule ang paglabas ng bahay para lang may kausaping ibang tao maliban sa mga tao sa loob ng bahay namin. Sinusulat ko pa dito kung paano kita isipin buong maghapon at magdamag. Smiley banging head against the wall

#5 Look great. Nagpagupit na ko para di na ko mukhang ermitanyo! Kaso ‘di mo naman ako nakikita. Kaya no points pa din. Smiley banging head against the wall

#6 Believe in yourself. Failed. Katulad lang ‘to ng #3. Smiley banging head against the wall

#7 Don’t reveal your insecurity. Failed. Katulad lang din ‘to ng mga nasa taas. Smiley banging head against the wall

#8 Don’t get clingy. Pahamak ang give space na yan. Parang #2 lang ‘to e. Iniwasan ko yung araw-araw na pangungumusta, yung kada araw na kumain ka na ba? Ngayon ‘di ko na alam paano uli sisimulan ang pagsasabi ng kumusta. Nakakasabog utak din ang pag-iisip kung clingy na ba ako? OA na ba? Makulit na ba ako? Hanggang nahirapan na kong magsend ng message sa’yo, kakaisip sa clingy-clingy na yan. Smiley banging head against the wall

#9 The dependable guy. Help her around when she needs help. Hanggang message lang ako dito. Lagi lang linyang: Basta andito lang ako. Smiley banging head against the wall

#10 Flirt friendly and naughty. She’d have a harder time flirting with you if there are other guys around, so try to get some alone time with her when you get the opportunity. Wa kwenta ‘tong advice na ‘to. Sa karanasan, wala ‘tong silbi. Alone time? Walang naitulong ang alone time! (Ilang Ampalaya capsules ba ang tinira ko?) Ginawa ko na ‘to. ‘Di ramdam. 😞

#11 Touch her. Wa kwenta din ‘tong advice na ‘to.. Katulad din ‘to ng #10. Wa kwenta din. ‘Di rin ramdam. 😞😞😞😞😞

#12 Don’t tell her you love her. Kalokohan na talaga ang mga sinulat sa article na ‘to. Don’t tell her you love her? Ano, pakiramdaman na lang? Dami nang napahamak sa pakiramdaman na ‘yan. (Ampalaya Level: +1000)  😞

#13 Give her a gift. But make sure the gift is something small or insignificant that it doesn’t even feel like a gift. You could give her a pen, or a little showpiece or a little something you think she’ll like. Zero ako dito. Wala pa akong naibigay sa’yo.

#14 Don’t give her all the control. Meet her often and talk to her over the phone often. But every now and then, back off for a day or two and wait for her to call you or ask you out on a date. By making her take the effort now and then, you’d be forcing her to woo you and try to get your attention! And that would only make her fall harder for you. ‘Di ‘to applicable sa atin. Puputi na ang uwak, ‘di mo ako yayain. (Negativity Level: 2000) 👎

#15 Make her miss you. ‘Di rin ‘to applicable sa atin. Puputi na ang uwak, ‘di mo ako mamimiss. (Negativity Level: +5000) 👎

#16 Don’t always be available. Paulit-ulit na lang. 👎

#17 But don’t be an asshole. Being unavailable now and then while wooing a girl is a great way to let her see that you’re not always available at her beck and call. But that doesn’t mean you have to behave like a total ass. So total ass na ba akong matatawag sa pagiging awol ko lagi sa’yo? 😕

#18 Treat her like a girlfriend. Even before you ask her out or tell the girl that you love her, start behaving like a boyfriend. No comment.

Bagsak ako sa lahat ng nabanggit kaya ‘di na ako magtatakang bagsak talaga ako sa’yo.
Kahit ‘di ko naman nabasa ang article na ‘to, alam ko naman ang mga nasobrahan sa mga ginagawa ko at kung ano ang di ko ginagawa. Pero siguro naghahanap lang ako ng way para isalba ang sarili ko. Saan ba ako nagkamali? Sadyang lagpak talaga sa scoring.
Sadyang si Google na ang nagsasabi na epic fail talaga.

‘Di ko na rin naman iniisip na gumawa ng mga bagay para ma-fall ka. Ewan ko nga ba bakit naisipan ko pang isearch yun. ‘Di naman na siguro importante yun. Dahil siguro kahit gawin ko man ‘tong 18 Foolproof Ways na ‘to, ‘di na talaga e, wala nang eepek. Pag ayaw, ayaw. Pag di pwede, di pwede. . ‘Di naman na siguro importante na mahalin mo din ako. Okay na yung ganto. Okay na yung mahal kita. 💙

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s