155 of 365

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

Ano pa daw ba ang magagawa nya e sumakay na ako.

Pwede naman nyang sabihin na: Bumaba ka na lang, sa Sta. Mesa na tayo magkita. Mag-iintay naman ako kahit gaano pa katagal. Alam naman nyang matyaga akong mag-intay.

Pero sa mga oras na yun, ‘di na din naman naging big deal pa na nag-around the world ako. Paminsan-minsan sa pag-uusap namin bigla kong maaalala ang epic fail na journey pero tinatawanan na lang namin. Okay na din yun. Nakapagkwentuhan naman kami habang nasa byahe sa PNR.

Kung anu-ano lang naman ang topic namin. Kung paanong sobrang ignorante ko sa mga lugar sa South. Napunta sa mga experiences namin sa pagsakay ng PNR. Nasa kalagitnaan na ng byahe yung kumustahan ng buhay-buhay. At sa isang oras naming magkausap saka nya lang napansing mahaba na ang buhok ko. Bakit daw ako nagpapahaba ng buhok. Sabi ko, trip ko lang. Ngayong iniiisip ko kung bakit nga ba pinapahaba ko ang tuktok na bahagi ng buhok ko, ‘di ko alam ang dahilan. Siguro nga trip ko lang.

At dahil nasa PNR kami, di naiwasang maging topic ang Train to Busan. At yun napunta kay Gong Yoo. Syempre karugtong na nun ang Goblin. At ang napakahabang istorya ng mga Kdrama.

‘Di daw nya expected na addict ako sa Kdrama. Akala nya simpleng nanonoood lang ako. Kaso mas madami pa pala akong natapos na Kdrama at updated pa ako kaysa sa kanya. Isa rin daw pala ako sa mga nilamon ng sistema. Hahahaha.

At matapos ang mahigit isang oras na byahe sa tren bumaba na kami ng Sta.Mesa Station.

Sa pagdaan namin sa tapat ng PUP, ayun flashback na.

Tagal ko na ding ‘di nakapunta dun. Dekada na ang lumipas. Naramdaman naman nyang gusto ko pang sulitin ang simoy ng hangin sa kanto ng Teresa kaya yun, nagyaya mag-shake. Ilang taon na daw ang lumipas ganun pa din ang lasa ng mango shake sa Teresa. At ganun pa rin ang presyo.

Umupo kami sa tapat ng tindahan ng shake. Just like the old days, gabi na pero tatambay pa ng Teresa. Nakakatawa pero kahit gaano na katagal yung panahong lumipas parehas pa rin yung pakiramdam ng pag-upo sa tapat ng tindahan. Iinom ng shake. Magkwekwentuhan. Habang nagdadaanan ang mga tao, wala kayong pakialam.

Gantong-ganto pa din ang kalsadang ‘to…

Parehas na parehas pa din sa Miss You Like Crazy…

‘Di s’ya nakarelate sa sinabi ko. Nagsalubong ang kilay nya at nilakihan nya ako ng mata sabay sabing: Ha?

Napailing na lang ako sa kanya. Dismayadong ‘di s’ya nakarelate sa sinabi ko.  Miss you Like Crazy, John Lloyd at Bea! ‘Di mo ba napanood yun? After ng scene sa ferry, dito sila naglugaw… 

Sa lahat naman daw ng pwedeng maalala, yung pelikula pa talaga ni John Lloyd ang naalala ko sa lugar na ‘yun.

Ano pa ba ang dapat kong alalahanin sa kantong yun?

Ilang segundong blangko. Change topic. Balik sa Kdrama. Hanggang maubos na namin pareho ang large na mango shake na hindi nga talaga nagbago ang lasa lumipas man ang mahabang panahon.

Naghiwalay kami sa tapat ng 711. Ilang hakbang na lang ang layo nya sa bahay nya. Ako nakakailang hakbang pa lang sa 38 kilometers na bubunuin ko para makarating sa bahay namin.

Approximately 145 kilometers ang nabyahe ko sa araw na yun. 145 kilometers para lang may makausap ako. Para lang may makwento naman akong iba sa’yo. Epic fail man ang byahe, worth it na rin siguro ang kwento. Na sana lang ginawa ko nung andito ka. Na kahit wala ka pang reply babyahe na ko. Na mag-iintay ako kahit wala namang kasiguraduhan. Na pupuntahan ko yung kahit ‘di ko alam puntahan. Magbabakasakali ako makita ka lang.

Mag-iintay naman ako kahit gaano pa katagal. Alam ko namang matyaga akong mag-intay. 

Kaso ‘di ko naman ginawa.

‘Di kita nakausap. ‘Di man lang kita nakita.

Parang ngayon, ni magsend ng kumusta ‘di ko magawa.

Wala akong ginagawa kundi mag-intay.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

One thought on “155 of 365”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: