Ilang araw ko na ring binubuno na makatapos ng isusulat dito. Kadalasan natetengga sa title. Swerte na maka-isang sentence. Mas madami pa atang backspace ang na-hit ko kaysa sa letters at space na natype ko. ‘Di ko naman kase alam ang sasabihin ko. Wala rin namang bago.
Hanggang naisipan kong umalis ng bahay for the sake na may maiba naman at maikwento ako sa’yo.
Naisipan kong kunin yung naiwan kong sahod sa dati kong work. Medyo may katagalan na mula nung huli kong punta sa kabihasnan kaya sabi ko sa sarili ko dapat may imeet akong tao sa araw na yun. Kailangan kong kumausap ng ibang tao maliban sa mga tao sa loob ng bahay namin. Para maiba naman. Bawal ang virtual meeting. Dapat tunay na kwentuhan.
Kaya yun, tinext ko yung barkada ko sabi ko kita kami. Almost 2 hours bago nagreply. Muntik ko nang sukuan ang pag-iintay sa reply nya. Buti na lang naipit ako sa traffic at nagutom ako. Kung hindi siguro ako kumain ng 3 shawarma sa Buendia, malamang nasa bus na ko pauwi sa amin nung nagreply sya.
Nasa Alabang daw s’ya. Kahit ‘di ko alam kung saang parte ng Pilipinas yung Alabang, sige reply ako ng: Sige, pupuntahan kita dyan.
Inisip ko na malapit lang yung Alabang at ‘di ako maliligaw. Sumakay ako sa unang bus na nakita ko. Tinanong ko naman si kuyang kunduktor, sabi nya sakay lang daw at makakarating din ako dun.
At yun.
Ilang pasahero din ang napagtanungan ko kung mga ilang minutes pa ba ang byahe, kung malapit na ba ako. Mga isa’t kalahating oras akong nag-aabang na makakita ng senyales na nasa lupain na ako ng Alabang. At matapos ang dalawang oras na pagbabasa ng bawat signages sa kalsada na makita ko, ibinaba ako ng kuyang kunduktor sa Las Piñas, sumakay daw ako ng jeep, makakarating na ako ng Alabang.
Epic fail.
Sabi ng barkada ko nung sinabi kong nakasakay na ako ng bus baka naman daw matagalan ako, kailangan nya pa habulin ang tren ng 7:30. Sabi ko sa kanya, makakaabot naman siguro ako (dahil nga iniisip ko malapit lang). Paglipas ng 30 minutes, at wala pa akong nakikitang liwanag, sabi ko sa kanya: Mag-isip ka na ng kakainan natin, ska kung ano ang kakainin natin, para mabilis na tayo, para di ka maiwan ng tren.
Paglipas ng another 30 minutes. Sabi ko: Kumain ka na, para okay lang na intayin mo ako. Ireimburse mo na lang sa akin mamaya.
Lumipas uli ang 30 minutes. Ang linya ko: Mukhang take out na lang ata ang mangyayari sa kain na ‘to.
Lumipas uli ang 30 minutes. Nasa jeep pa lang ako pa-Alabang at twing nagtatanong ako sa driver o kaya sa kasakay ko, ang sagot nila sa akin: Wag ka mag-alala, dun naman yun sa dulo, ‘di ka lalagpas.
Dulo? Dulo talaga?
Epic fail.
Pero yun, inabutan ko pa naman ang barkada kong nasa 2/3 na ng kinakain nyang napakalaking burger. Kwentuhan kami about sa epic fail kong journey na bunga ng biglaan kong pagsakay ng bus na ‘di ko man lang kinunsulta sa kanya, as if alam na alam ko ang byahe ko. Ano pa daw ba ang magagawa nya e sumakay na ako.
Nang malapit nang mag-7 sabi nya aalis na sya para makasakay na ng tren. Sabi ko magtetren na rin ako, mas okay na yung tren kaysa sa bus, ‘di na ako maliligaw.
Sa buong panahon nang byahe ko at pag-uusap namin, iniisip kong sa Laguna s’ya uuwi kaya hinahabol n’ya ang tren, nang biglang sabihin nyang: Sa Sta. Mesa ako, ikaw saan ka bababa?
Napalunok na lang ako nung sinabi nyang sa Sta.Mesa s’ya uuwi. Napahawak sa batok. Napapikit, At parang uminit ata ang pakiramdam ko.
Epic fail talaga.
Galing akong Bulacan. Pumunta ako ng Taguig. Nagreply s’ya nung nasa Buendia ako. Bumyahe ako pa-Alabang. Tapos uuwi s’ya ng Sta.Mesa. Bakit ko s’ya pinuntahan sa Alabang? Pwede ko naman s’yang kitain sa Sta.Mesa?
“‘Di ka naman nagtatanong. Sabi mo pupuntahan mo ako sa Alabang.”
Ano pa daw ba ang magagawa nya e sumakay na ako.
Haha. Epic fail talaga. Hahahaha.
At yun. Sumakay kami ng PNR mula Alabang pa-Sta.Mesa.
Sa susunod na yung Part II ng kwento ng byahe ko. Sumasakit pa din ang ulo ko pag naaalala kong bumyahe ako mula Bulacan pa-Taguig, Buendia pa-Alabang, Alabang pa-Sta.Mesa. Sta.Mesa pa-Bulacan sa loob ng twelve hours.
Saka para na din may maisulat pa ako sa susunod. 😊
Kain ka dyan. Pwede ka namang kumain kahit Ramadan. Wag mo na intayin ang Iftar.😉
보고 싶어
Bet ko po ung hangul word sa dulo. 🙂 😍😍😍
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Epic fail! IMY too. 🙂
LikeLiked by 1 person
Bwahahahahahahhahahaha napaisip pa ako ng 1 second sa IMY too! Hahahahahahahahahahha
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha. Akala mo nanaman ibang klase ako? Na wala ka namang sinasabi pero may “too” ako. Wahahahaha,
LikeLiked by 1 person
Oo hahahahaha ibang klase…
LikeLiked by 1 person
Ibang klase talaga, Wahahaha
LikeLiked by 1 person