Isang buwan na ang lumipas mula dun sa huling smiley na sinend mo sa Whatsapp.
‘Di ko alam kung pride ba ang problema sa akin dahil pinipigilan ko ang sarili kong magmessage sa’yo hanggat hindi ka nagmemessage. Pero kelan ko ba pinairal ang pride? Siguro hindi ‘to pride. Sadyang duwag lang ako magmessage at ‘di makatanggap ng reply.
Masakit talaga ang umasa.
Pero kahit gaano man ako ka-busy, ‘di ka nawawala sa isip ko. Araw-araw nakaka-limang beses ata akong check kung nagpalit ka na ba ng picture sa Whatsapp. O baka may message kang di nag-appear sa notif. Lumipas ang isang buwang walang naganap na message. Walang naganap na pagbabago ng profile picture. (Sa Whatsapp lang kita natititigan kaya siguro maiintindihan mo ang nararamdaman kong tumititig sa smiley.)
Ni minsan ba ‘di ako sumagi sa isip mo? O kahit man lang pag bored na bored ka na, ‘di man lang ba ako naging option sa mga pwede mong pampatay oras?
Sadyang imaginary ka lang ba talaga?
‘Di ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ‘di magpaparamdam sa’yo. As if naman mamimiss mo ang pagkawala ko. Pero siguro okay na din ‘to. Okay na ung walang-message-kse-wala-naman-akong-message, kaysa may-message-ako-wala-namang-reply. Kung nagpapakiramdaman tayo, malamang hanggang pakiramdaman na lang talaga tayo.
Sobrang mahal kita. Na ‘di ko alam bakit ‘di ko kayang mag-send ng kahit man lang isang message sa’yo.
Sobrang mahal kita. Na ‘di ko na alam paano sabihin ang kumusta.
Sobrang mahal kita.
Hanggang dito na lang ata talaga ako.