145 of 365

Isang buwan na ang lumipas mula dun sa huling smiley na sinend mo sa Whatsapp.

‘Di ko alam kung pride ba ang problema sa akin dahil pinipigilan ko ang sarili kong magmessage sa’yo hanggat hindi ka nagmemessage. Pero kelan ko ba pinairal ang pride? Siguro hindi ‘to pride. Sadyang duwag lang ako magmessage at ‘di makatanggap ng reply.

Masakit talaga ang umasa.

Pero kahit gaano man ako ka-busy, ‘di ka nawawala sa isip ko. Araw-araw nakaka-limang beses ata akong check kung nagpalit ka na ba ng picture sa Whatsapp. O baka may message kang di nag-appear sa notif. Lumipas ang isang buwang walang naganap na message. Walang naganap na pagbabago ng profile picture. (Sa Whatsapp lang kita natititigan kaya siguro maiintindihan mo ang nararamdaman kong tumititig sa smiley.)

Ni minsan ba ‘di ako sumagi sa isip mo? O kahit man lang pag bored na bored ka na, ‘di man lang ba ako naging option sa mga pwede mong pampatay oras?

Sadyang imaginary ka lang ba talaga?

‘Di ko alam kung tama ba ang ginagawa kong ‘di magpaparamdam sa’yo. As if naman mamimiss mo ang pagkawala ko. Pero siguro okay na din ‘to. Okay na ung walang-message-kse-wala-naman-akong-message, kaysa may-message-ako-wala-namang-reply. Kung nagpapakiramdaman tayo, malamang hanggang pakiramdaman na lang talaga tayo.

Sobrang mahal kita. Na ‘di ko alam bakit ‘di ko kayang mag-send ng kahit man lang isang message sa’yo.

Sobrang mahal kita. Na ‘di ko na alam paano sabihin ang kumusta.

Sobrang mahal kita.

Hanggang dito na lang ata talaga ako.

Advertisements

131 of 365

Kumusta?

Gusto sana kita kausapin pero ‘di ko alam kung paano magsisimula. Gusto ko sanang malaman kung kumusta ka, kumusta ang mga araw mo, kung kumakain ka ba mabuti, kumusta ang trabaho, kumusta ang pamilya mo, pero ‘di ko alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob para mag-send ng message sa’yo. Ewan ko ba kung bakit napakahirap paliparin ng simpleng kumusta. Ewan ko ba kung bakit napakahirap iparamdam sa’yo na andito ako para sa’yo.

Mag-iisang taon na ‘tong mga sulat ko sa’yo. Na ‘di ko alam kung alam mo bang nag-eexist. Na ‘di ko alam kung nabasa mo na ba o napagtyagaan mo na bang basahin. Ewan ko ba kung bakit mas madali na kausapin ka dito. Siguro k’se dito wala namang reaksyon. Walang mahabang pag-iintay ng reply. ‘Di na kailangan ng pasakalye para sa gusto kong ikwento sa’yo. ‘Di ko na kailangan makiramdam sa mood ng araw kung okay ba na magkwento ako o magdrama. Dito pwede kahit anong kwento, luma man, bago o in future tense. Pwede isulat kahit kopya ng conversation ko sa barkada ko sa messenger, pwede pati sulat nila pati comment sa fb. Dito ‘di ko kailangan magpaka-cool, basta kung ano ang pumasok sa utak ko… basta kung ano ang laman ng puso ko.

‘Di ko alam kung matatandaan ko pa ang mga bagay na gusto kong ikwento sa’yo sa panahong magkaroon na ako ng pagkakataon na makasama ka at makwentuhan ka. ‘Di ko alam kung magkakaroon ba ng pagkakataon na ganun. Kaya siguro sulat na lang ako ng sulat sa’yo. Para kahit dito man lang maikwento ko sa’yo. Kung paglipas ng panahon wala ka magawa, pagtyagaan mo na lang na basahin ‘to. Medyo madrama lang at puro emo mode. Pero sa kwentong ‘to ikaw ang bida. Ikaw ang hinihintay. Ikaw ang minamahal.

Wag ka mag-alala. ‘Di naman na ako ‘yung tulad ng dati na sobrang kulit. Na mag-aabang sa’yo ng magdamag makita ka lang. Mabait naman na akong kausap ‘di ba? Tanggap ko naman na ‘di mo ako mahal. Na ‘di mo ako kayang mahalin. Kaya nga siguro ‘di ko kayang magpakita sa’yo, alam ko k’se pag nakita na kita magigising na ako sa katotohanang dine-delay ko lang ang realization sa matagal na panahon. Pag sinabi mo na k’se ng harapan. Pag naramdaman ko na in that very moment. Alam ko automatic mawawala na ‘to. Bigla na lang ‘di na kita mahal.

______________________________________________________________________________

Kaso ayoko pang mawala ‘tong pakiramdam na ‘to. Masakit sa puso… pero gusto pa kita mahalin.

 

 

123 of 365

Umuulan nanaman. ‘Di ko alam kung ano ang meron sa ulan. Laging senti mode pag ganto ang panahon. Inisip ko nga ano ba ang memory ko sa ulan? Ano ba’ng naganap sa ulan?

Epekto ba ng pag-ulan ang kalungkutan ko?

O epekto ng kalungkutan ko ang pag-ulan?

Naka-play nanaman ang Ely’s Ulan Playlist.

Naiisip nanaman kita. (Wala namang bago.)

Namimiss lang siguro kita.

____________________________________________________________________________________________

Download Ely’s Ulan Playlist