113 of 365

Malapit na ang birthday ni Ate mo. Ibati mo naman ako ng Maligayang Masayang Happy Birthday sa kanya. Seryoso yun a. Para maiba naman, lagi na lang na s’ya ang taga-relay ng Happy  Birthday greetings ko sa’yo. Marami na akong utang kay Ate mo. Kung ‘di dahil kay Ate mo, sobrang pahirapan pa din ang paghagilap sa’yo.

Alam ko naman nagtataka ka paano ko nakilala si Ate mo, ‘di mo naman s’ya pinakilala sa akin dati. Nakita ko s’yang una sa Friendster nung mga panahon na hinahanap kita. 2006. Pareho kayo ng Middle Name at Last Name kaya inisip ko nang ate mo s’ya, s’ka medyo may similarities naman sa face. Tapos naalala ko nakwento mo yung Ate mo na Psych ang course, e nakalagay na nagtake s’ya ng Psychology sa PLM kaya yun. Sobrang bait lang ng Ate mo na inaccept nya nung inadd ko sya at nagrereply naman s’ya ‘pag kinakamusta kita. Ang ancient history na Friendster. Bow.

At nung nauso ang Facebook, I made it sure na friend ko pa rin s’ya. Maraming salamat sa Bathala na biniyaan ka ng napakabait at napakamaunawain na Ate at inaccept n’ya pa din ang friend request ko sa Fb. Ilang beses ba na sa Ate mo dumadaan ang kumusta at birthday bati ko para sa’yo. Pati number ko kay Ate mo pa dumaan para lang kontakin mo ko. ‘Di ba sobrang dami ko nang utang kay Ate mo?

Kaya wag ka nang magtaka kung paano ko s’ya nakilala nung nakita ko s’ya sa Dubai Mall nung June 12, 2013. Haha. Epic yung tagpo e. Naglagpasan na kami, alam ko s’ya yun kaya lumingon ako uli, at lumingon din s’ya nun. Rosemarie? Ely? Haha. Pang-pelikula di ba? Pero yun, hanggang dun na lang yun.  Iniisip ko nga what if kinausap ko pa ng matagal si Ate mo nun? What if ‘di lang twing April, September at Pasko ko s’ya kinakamusta? Malalaman ko kayang dadating ka sa Dubai at mapaghahandaan ko na bang magpakita sa’yo? Haha, walang katapusan pa ring what ifs ni Ely.

____________________________________________________________________________

Ginawa nang imposible ni Tadhana at ng takot ko sa’yo na matikman ko pa ang sinigang ni Ate mo na naging topic natin at nagpahaba kahit paano ng conversation nating puro kumusta. 🙁

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: