105 of 365

Kumusta? Kumusta ang pag-aaral ng russian? Ako, napagdesisyunan kong korean na lang ang pag-aralan para ‘di na kailangan ng subtitle pag nanonood ng Kdrama. Ska medyo familiar na ako sa mga words pati yung way ng pagdeliver dahil nga adik ako sa koreanovela. Kumusta naman ang pagbabasa? Ako, dalawang taon na yung mga libro ko dito sa laptop, dalawa pa lang ang natapos ko, yung Me Before You at After You. Umaasa pa din akong makapagbasa ng tunay na libro sa library mo. 🇵🇭🛫🛬🇦🇪

Wala pa din progress sa Youtube channel. Sadyang madami talaga akong excuses sa bagay na ‘to… 😅 Drained na ng mga projects ang utak. Kaya nga one time I tried na magdrawing uli gamit ang ballpen para maiba naman at malayo kay laptop.

angakingimaginarygirlfriend sulat para kay elsie goblin gong yoo grim reaper lee dong wook titus ballpen

May bakas pa din ng Kdrama ang drawing. So far, eto ang pinaka-paborito kong Kdrama, kaya kung wala ka na talagang magawa at wala ka nang mapanood, panoodin mo yung Goblin. Kahit si Anne Curtis na-inlove sa Kdrama na ‘to kaya ‘di naman siguro ako mapapahiya sa pagrecommend sa’yo nito. Kung subtitle ang problema, remember Louisa Clark? Sa una lang yung feeling na nakakatamad magbasa ng subtitle, masasanay ka din.😉

Inumpisahan ko na din aralin ang violin. Wala talaga sa plano ang pag-aaral ng violin. Ayokong pag-aralan dati pa dahil alam kong mahirap. May nag-regalo lang sa kapatid ko kaya napilitan akong aralin  para daw maturo ko sa kanya. Nag-iipon nanaman ako ng bagong kalyo sa kamay.😟 Inaaral ko din ang chibi at kawaii. Kailangan ipanahon ang mga characters at napagiiwanan na ako.😟

Busy-busyhan para di na lang mamalayan ang oras. Para mabawasan yung pag-iisip ko sa’yo. Pero sadyang sa lahat ng gagawin ko, ikaw ang naaalala ko.

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

One thought on “105 of 365”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: