Pare ano ‘to? Bakit may ganito?
Lumabas ka nga ng kumbento mo at babatukan kita. Hinahanap ka na ng buong tropa. Tapusin mo na daw ang mga araw mo ng pagdadrama at magbalik loob ka na sa pagiging babaero mo. O babaero. Babaero ka namang talaga. Tama na ang drama, di bagay sayo. Di ka loser. Ano ba yung loser na sinasabi mo? Kung loser ka, ano pa ang tawag sa amin? Nakalimutan mo na ba na nasayo ang agimat? Nasaan na ba ang agimat, pinasa mo na ba sa iba?
Balik torpe days ka ba? Ipapaalala ko lang sayo, early childhood pa yun, dumaan ka na sa torpe days at natapos ka na dun. Bakit binabalikan mo pa? Alam mong di bagay sayo. At alam mong di ka naman talaga torpe. Batukan ka pa naming lahat pag sinabi mong torpe ka. Yung torpe pare walang ginagawa, di makapagsalita, walang the moves pare, alam mo yung the moves, marami ka nun, wag kang ano dyan!
Di mo alam kung ano ang sasabihin? Di mo alam kung anong gagawin? Naubusan na ba? Di ka naman kase nanliligaw. Ancient history na yung mga niligawan mo. Di ka na naniniwala dun. Bakit iniisip mong manligaw ngayon? At nagpapaalam ka pa? Kailan pa nagkaron ng ganun? Di uso sayo yun. Di uso ang usapan sayo. Di uso ang pagdadrama pare di ba? Ikakanta, iiinom, tapos. Ganun lang. Tapos na yung madramang moments. Yung pag-ibig di yan iniiyakan. kung dadating, dadating. Kung aalis, aalis. Lahat may expiration date, ikaw pa nagsabi nyan. Wala tayong panahon sa mga drama. Wala tayong panahon sa mga taong walang panahon sa atin. Di tayo nagmamahal ng mga taong di tayo mahal at di tayo kayang mahalin. Ano ba nangyari sayo? Kelan ka pa nagkaroon ng insecurity issues? Ikaw ang pinakamahangin sa atin. Okay lang sa amin ang hangin dahil alam naman naming kaya mong panindigan ang hangin mo. Ano ba ang di mo kayang ibigay? Rephrase pala natin, ano ba ang di mo kakayaning ibigay? Di ka gwapo? Kelan naging issue ang kagwapuhan? Pare, sa mga tulad natin, di uso ang di gwapo, alam mo yan, gwapo basta magaling mag-gitara! Motto natin yan di ba. Gwapo tayo. Ikaw nga ang pinaka-gwapo sa atin kase karpintero ka pa, tubero, electrician, technician, dagdagan pa na gwapo ang handwriting mo, ano pa. Family issues? Pare nagpabugbog ka sa nanay ng isa mong ex, nag-masswork ka sa pamilya ng isa mo pang ex sa probinsya, alam mong sa una lang ang di pagtanggap sayo ng pamilya dahil alam mong gagawin mo lahat maging okay ka lang sa pamilya ng mahal mo. You’re afraid of losing your bestfriend? Pare batukan kita one-time-big-time, di mo sya bestfriend, di ka nya bestfriend. Wala na nga kayong alam sa bawat isa!
Pare bumalik ka na dun sa panahong di mo na ineexpect na dadating pa sya sa buhay mo. Isipin mo na lang uli na may partner na sya sa buhay at masaya na sya. Pare cool ka nung mga panahon na yun. Okay na sa amin yung babaero ka pare. At okay na din yung mottong “Be with someone who absolutely adores you”. Okay naman tayo sa mga taong gwapo tayo sa paningin nila. Pare wag kang maging hard sa sarili mo. Pag ayaw, ayaw. Wala na tayong magagawa dun.
Alam naming mauunahan pang gumaling ng bali mong daliri yang sugatan mong puso. Pero tandaan mo: gagaling din yan. Aakyat pa tayo ng Apo.
________________________________________________________________________________________
Sulat ng isang barkada kasama ang bagong ukulele nang mabalitaang na-ospital ako at kumalat sa group chat na destructive mode nanaman daw ako. Nilinaw ko nang di ako destructive mode. At dalawang oras lang ang tinagal ko sa ospital. Wag silang OA. Pero dahil may bagong ukulele pinapatawad ko na sila sa pagpapakalat ng maling impormasyon.