84 of 365

May deadline ako sa Tuesday pero until now wala pa din akong nasisimulan. ‘Di ko alam kung kinakalawang na talaga ako o sadyang wala lang sa mood. Sadyang tag-tuyot ang utak, sumasabay sa init ng panahon.

Kaya naisipan kong bumyahe. Mukha k’seng kailangan ko ng makalanghap ng malinis na hangin.

Parang F5, narerefresh ng Sagada ang utak ko.

Bago pa man inakyat nina Judy Ann at Piolo, at ni JM at Angelica ang Sagada, nauna ko nang naisigaw sa mga bundok dito ang mga pagkabadtrip ko sa mundo. Dati pag naglalayas ako, hanggang Baguio lang ako. Nung nabasa ko ang Kasal ni Eli Rueda Guieb III, pinilit kong marating ang Pulag. At nung minsang natripan ko lang sumakay ng jeep pa-Sagada nung nasa Baguio ako. At ‘yun, instant close na kami.

Maglalakad ako hanggat may kalsada. Kakain ng mga paborito kong dahon sa Salt and Pepper. Bibili ng tapuy. Maglalakad. Magkakape sa Gaia. Maglalakad. Lalanghap ng sariwang hangin.

Kaso bigo ako ngayon.

Madaming tao. Maingay. ‘Di ko solo ang St. Joseph. ‘Di ko solo ang Salt and Pepper. Andami kong kasabay maglakad nung papunta akong Gaia kaya ‘di na ako tumuloy. Walang moment na naganap. Walang pagrerefresh.

Mamaya babyahe na ako pababa.


Ang dami nang nabago sa Sagada.

‘Di na siya ‘yung Sagadang minahal ko dati. ‘Di na siya ‘yung F5 ko. ‘Di na s’ya ‘yung safe haven ko.

O sadyang ako lang talaga ang ‘di makasabay sa pagbabago. Napag-iwanan na ata ako. Dahil hanggang ngayon, andito pa rin ako.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: