81 of 365

ang aking imaginary girlfriend sulat para kay elsie

Kumusta? Sana okay ka lagi.

Kumusta naman ako? Palagi kong sinasabing ayos lang ako pero ngayon, sasabihin kong ‘di ako okay. This is one of those days na matindi ang lungkot na nararamdaman ko. Walang kantang makaka-uplift sa spirit ng katawang lupa ko. Walang pelikulang makakabawas sa bigat.

Madrama ako sa lahat ng bagay. Pero kaya kong ipakitang okay ako.

Except sa mga araw na ganito.

Bukas 4 years nang wala ang kapatid ko. Namatay s’ya na wala ako sa tabi n’ya. Nalibing s’yang ‘di man lang ako nakauwi.

She was born with a hole in her heart. Kaya ‘di lang doble, tripleng alaga ang ginawa namin sa kanya. I told you about her before. I made decisions in the past para sa kanya, para sa pamilya namin.  I gave up school, I gave up life with my family, and I gave up everything. Alam ko, it was not a smart decision to make, pero ‘pag pakiramdam mo sobrang hopeless na yung situation, wala ka nang hindi gagawin.

Sa awa ni Bathala naging okay naman lahat.

And she turned 10.

Ilang beses s’yang nadadapa sa school. Inisip namin, normal lang, ‘di naman k’se namin s’ya sinanay sa long walks at mga laro. Sa t’wing pupunta kami ng SM, magpapakarga s’ya sa akin pag aakyat na ng overpass. Inisip namin, naglalambing lang o baka hinihingal s’ya sa pag-akyat ng hagdan. Hanggang dumalas na ‘yung pagdapa, at ayaw na n’yang umakyat ng hagdan.

Natagalan bago nadetect ng mga doctors kung ano ang problema. Hanggang pumayat sya ng pumayat. Kahit pinag-take na s’ya ng steroids, wala pa ring nagbago.  Binantayan na ng dietitian yung food intake n’ya pero wala pa din. Chineck na nila yung mga digestive organs nya, wala naman problema. Hanggang nahirapan na s’yang lumakad. Pinagtherapy na ‘sya. Pero wala pa din. Lumala lang ng lumala yung condition nya.

Sa muscles pala yung problema. ‘Di na nadagdagan yung mucles n’ya. Normal yung bones sa paglaki, ‘di na makahabol ang laman. Hanggang naging literal na buto’t balat na s’ya. Habang tumatangkad s’ya, lalo s’yang pumapayat. Sobrang sakit para sa amin ‘yung nangyayari sa kanya. Pero alam namin mas masakit ‘yun para sa kanya.

Hanggang ‘di na n’ya mabend yung mga tuhod n’ya, hirap na s’ya gumalaw, lahat masakit na.

Labas-pasok siya sa ospital. Madalas, ayaw n’ya. Pero pag kinausap ko, papayag nang magpa-confine. Madalas ayaw na n’ya uminom ng gamut, ang pait naman k’se. Pero pag pinakiusapan ko, iinumin din naman n’ya.

Nung aalis na ako pa-Dubai, sabi ko mag-cocommute lang ako. Pero sabi n’ya sasama daw s’ya, ihahatid n’ya ako sa airport. Sabi ko wag na k’se nga mahihirapan lang s’ya sa sasakyan dahil ‘di naman na s’ya nakakaupo na naka-bend ang tuhod, paano s’ya uupo sa sasakyan. Ayun umiyak. Ihahatid n’ya daw ako. Kaya last minute nag-arkila kami ng sasakyan para makasama s’ya. Sa byahe, ‘di s’ya umangal, walang masakit, kahit alam naming masakit at ‘di kumportable yung pwesto n’ya. Tiniis n’ya yung byahe nay un maihatid lang ako.

Madalas s’ya mag-message sa akin. Nung may padala nga yung tita ko galing Canada, naalala n’ya pang imessage ako para sabihin ko daw kay Ate Ehms n’ya na madaming kape dun sa package, papuntahin ko daw para makakuha ng kape. Alam n’ya k’seng malakas mag-kape si Ehms. Lagi n’ya ako kinakamusta at lagi s’ya nagkwekwento.

Sa pagtungtong ng unang buwan ko sa Dubai, nakatanggap ako ng tawag mula sa Mama, ‘di na raw gumigising si Allaysa. Ayaw na tumigil sa pagpatak ng luha ko. Kahit anong gawin ko, ayaw tumigil. Pero pinilit ko pa ring pumasok sa trabaho. Pero iyak pa din ako ng iyak.  Hihinto tapos bigla na lang papatak nanaman ang luha ko. Hanggang pumunta na ako sa office ng Executive Chef namin para magpaalam. Sabi ko uuwi ako, baka pag dumating ako gumising na ang kapatid ko. At ‘yun, tumawag ang Executive Chef ko sa Pinas. At sinabi ng mama na wala na si Allaysa. ‘Wag na daw ako umuwi k’se wala naman ako ipangpapamasahe. Maiintindihan naman daw ni Lay ‘yun.

Pagod. Masakit na ang mata at ulo. Pero buong magdamag ‘di ako nakatulog. Kahit anong sabihin sa akin na pampalakas ng loob, hinang-hina pa din ako.

‘Di ako pumasok kinabukasan. At ‘yun sinermonan ako pagkapasok ko. Tinitigan ko lang ng masama. ‘Di ako nagsalita. Ayokong magalit. Lumipas ang mga araw na pumapasok akong lutang, iniisip kung ano ang nangyayari sa Pinas. Hanggang may nagbiro sa akin. “tol, ngumiti ka naman, para ka namang namatayan”. Tinitigan ko din ng masama ska sinabi ko, “Sa mga oras na ‘to… nililibing ang kapatid ko.” Sabay walk-out.

Sobrang struggle yung unang buwan ko sa Dubai. Sobrang struggle yung mawala yung mahalagang tao sa buhay mo na ‘di mo man lang nakita. Pero siguro kung umuwi ako para sa libing n’ya nun, siguro ‘di na ako bumalik. O baka mas lalong ‘di ko kinaya.

Iniiyakan ko pa rin hanggang ngayon. Nung nasa Dubai ako, iniisip ko na lang andun pa din s’ya ‘di nga lang kami nagkikita k’se nasa Dubai ako. Siguro nga, inantay n’ya lang talaga ako umalis k’se alam n’ya makulit ako at ‘di s’ya makakaalis kung nasa tabi n’ya ako. Alam n’ya mahihirapan kami pareho.

Kahit 14 years ang pagitan namin, siya ‘yung pinaka-close ko sa lahat ng kapatid ko. Forever baby namin k’se bunso namin. Kahit masikip, makikipagsiksikan ako sa kama para magkatabi kami matulog sa t’wing uuwi ako ng bahay. S’ya lang ang sumusulat sa akin. Magmemessage s’ya lagi sa akin na uwi na ako.

Siya ang rason bakit ako umaalis.

At siya rin ang rason bakit ako umuuwi.

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: