77 of 365

All through my life 

I’ve been looking for someone 

to whom I could share

my happiness and despair.

I looked everywhere

and searched every place

I never stopped

and promised not to quit.

Then I saw you standing

beside me all the way

then I knew the search is over

because it’s you, I finally found.

Old school love letter. Iniisip ko, ilan ba ang nabigyan ko nito?

Nung highschool days, lahat na ata ng kakornikan nagawa ko. Kinaya kong mag-abang, mag-intay, sumundo, maghatid, maulanan for the sake ng ilang minutong makakasama ko yung gusto ko. Gumawa pa ako ng mix tape. Sobrang effort yun nung panahon na yun dahil ang hirap magmanu-manong magrecord ng kanta galing sa radyo o sa tumutugtog na cassette tape. Mahirap magrewind at mag-fast forward. Pag namali ka, pwede mong mapatungan at mabura, at wala ka nang magagawa pa para maretrieve kung anuman ang napatungan mo. Paduguan ng utak kung anong ilalagay sa side A at side B. Walang internet, kailangan mong mag-abang kung kelan patutugtugin sa radyo ang kantang gusto mo.

cassette tape

Uso din dati si Hallmark. Todo pili ng card sa suking tindahan. O pag sinipag pa ay gagawa pa ako ng personalized greeting card kay Wordstar. Tama, kay Wordstar, wala pa si MS Word. Wala pang mouse. Kailangang kabisado ko lahat ng code para majustify, center, bold o italicize ang text. Idodrawing ko muna sa graphing paper ang image na gusto kong ilagay gamit ang asterisk at ampersand, ska ko pa lang iinput sa PC. ASCII art. Pahirapan pa sa dot matrix printer na maingay at kailangan mo pang ikutin ang ribbon pag lumalabo na.

ascii art

At usong-uso ang harana dati. Iniisip ko nga parang inaral ko lang mag-gitara noon para lang makapangharana. Syempre dagdag pogi points ‘yun. Kahit na D-A-G-A lang at walang kamatayang More Than Words ang laging tinutugtog.

Pero paglipas ng panahon, wala nang sulat o tula o greeting card, forward na lang ng message sa phone. Wala nang mixtape o harana, forward na lang ng link from YouTube.

Sobrang dali nang makipag-communicate, ‘di na snail mail, pero ‘di makapag-message. Meron namang jeep, bus, taxi , UV Express pero ‘di pa din makadalaw.

Minsan, o madalas, wala nang panliligaw.

Minsan nga wala na ding relasyon.

________________________________________________________________

Doable naman yung mga bagay to make it impossible for you to say no, mapa-old school man o millenial na ligaw. Madaling makakuha ng A+ for the effort. Madaling magpromise ng magagandang bagay. Who doesn’t enjoy the promises of better tomorrow? I can simply hold your hand and pretend that we have the infinite time and money to conquer the world through the power of our love. Madaling sabihin I can give you everything you want, kahit higit pa dun.

Pero siguro sobrang mahal kita at natuto na ako na it’s not enough na mahal kita. Sobrang daming bagay ang kailangan kong iconsider. Para sa’yo. Dahil hindi magiging madali.

_________________________________________________________________

Ikakahon ko muna ang puso’t damdamin kong naghuhumiyaw ng pag-ibig sa’yo.

Kasama ang mga tula, sulat, greeting card, at haranang nasa casssete tape.

 

 

 

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: