71 of 365

ang aking imaginary girlfriend mga sulat para kay elsie

Josh: Uy, March 10 flight namin. Kaya pa ba nating magkita bago yung date na un?

Ako: Mag-jajapan ka na?

Josh: Yup.

Ako: Mukhang ‘di talaga tayo pinagtatagpo, sige dadalawin na lang kita dun hahaha..

Josh: ay naku, ayan ka nanaman, tour lang yun, ‘di naman kami magtatagal.

Ako: Wag ka ngang basag trip, dadalawin kita dun, magtotour din ako.

Josh: Hahaha.

Ako: Sulitin mo ang honeymoon, tsutsyal ah, Japan pa!

________________________________________________________________

Naalala mo ba si Josh? Yung tutubing taga-Dulaang Katig nun? Siya ang taga-abot ko ng sulat sa’yo nung naglibot ako sa Sierra Madre. Kaso, may naiabot ba? Haha. Wala naman ako aasahan sa moda ng komunikasyon ng panahon na ‘yun. Swerte nang dumating ang sulat sa loob ng tatlong buwan.

Iilan lang yung taong nakakaintindi sa likaw ng bituka ko. Isa si Josh dun. Dumating na kami sa point na sobrang galit ako sa kanya, pero yun, lumipas din naman at kinausap ko din s’ya. Ilang beses kaming nagkagalit pero lilipas ang mga araw mag-uusap din kami. Kabisado nya nga kse ang likaw ng bituka ko at alam nya kung saan ako kakalma.

Vocal ako pag galit ako sa kanya. Alam yun ng mga kasama namin nun. Nasaksihan nila yung lahat. Sobrang natakot sila sa akin k’se nun lang nila ako nakitang nagalit. Na nadagdagan pa ng pagkagulat nila dahil kay Josh ako pinaka-close. Nakarinig s’ya ng maraming ‘di magandang words sa akin. At dahil alam naman n’ya ang pinaghuhugutan ng galit ko, hahayaan nya akong magalit at iiyak na lang s’ya sa tabi. Alam naman naming may pagkukulang kami pareho kaya nagkaayos din kami. Magagalit nanaman ako pero magkakaayos din uli.

Kaya nagtataka yung mga kasama namin dati k’se hanggang ngayon close pa din kami, samantalang kung nasaksihan mo yung away namin dati, iisipin mong ‘di na kami magkakabati kailanman.

Pinagkatandaan na lang namin ang magulo at malabo naming sitwasyon dati. Tinatawanan na lang namin ang istorya ni Miss-Aminadong-Paasa at Mister-Pavictim. At sa aming dalawa, ako lang daw ang walang natutunan. Siguro nga daw ay pavictim lang talaga ako, hindi naman daw talaga ako naging biktima, dahil kung naging biktima daw ako ay ‘di na  ako uulit maging feelingero at ‘di ko na uli hahayaang maulit ang mga nangyari sa amin. O sadyang ‘di naman talaga nasaktan ang puso ko nung panahon na ‘yun, pride ko lang daw yung nagagalit.

Kabisado n’ya ang likaw ng bituka ko, kaya marami akong sermong natatanggap mula sa kanya. Lagi akong sosoplakin sa mga feelingero lines ko. Alam na n’ya ang pupuntahan nasa unang linya pa lang ako ng pagdadrama.

Bakit daw ba ‘di ko magawang magalit sa’yo? Sa palagay n’ya daw kse ay yun ang pinaka-effective na paraan para magising ako. Yung one-time-big-time na galit tulad ng ginagawa ko sa kanya dati. Kausapin daw kita, sabihin ko lahat ng sama ng loob ko, sabihin ko lahat-lahat ng gusto kong sabihin.

Bakit daw ‘di ko magawang magalit sa’yo?

Dahil magkaiba kayo.

Dahil wala ka namang kasalanan.

Dahil mahal kita.

(Alam naman ang sagot, tinatanong pa ako.)

_________________________________________________________________

Nung minsang may madrama akong post panahong tralala:

Josh: Ano nanaman ang mga linyang ito?!

Ako: wag ka mag-alala, tapos na ko sa feelingero-kay-josh stage ko… haha.peace.
Josh: HAHAHA! buti naman, saka sa kanya ka naman talaga hibang eh. hehehe.
Ako: sinong “kanya”? hahaha…
Josh: ay, oo nga, ang dami pala nila.. hahaha!
Josh: ang nasa isip ko yung inabangan mo sa trabaho nya tapos tinakasan ka nya. tama ba?
Ako: hahahahahahahahahaha….
Josh: tama? [im happy tumatawa ka…]
Ako: …haaay.
Josh: pero tama nga ako?

Pag may nabasa s’ya dati sa post ko na pagdadrama, bibirahan na ko n’yan ng: haay… here we go again… pede mo naman sya hanapin.. for the only reason na gusto mo syang makita. pero mas better na wag na nga lang… mas madaling mag move on.. di ako naniniwalang di ka makakamove on… ilang beses na bang nangyari sayo ang ganyan di ba?!  Wag ko daw magamit-gamit sa kanya ang linyang “pag naaalala kita Josh, alam ko makaka-move-on din ako”. Alam n’yang malayong-malayo ang pinaghuhugutan ko. ‘Di naman daw ako nagdrama ng tungkol sa aming dalawa. Nagagalit daw ako agad.

Pero makaka-move on din daw ako. Di ko na lang mamamalayan, ‘di na kita mahal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: