85 of 365

Hanggang ngayon umaaasa pa din akong kapag tumunog ang phone ko, message mo na.

Pero bigo ako.

Bakit ba k’se umaasa ako? Bakit ba tambak na ako ng deadlines pero pahihintuin ko pa din ang mundo ko para sa mga moment ko na ganito? Bakit ba umaasa pa din ako sa open and honest communication?

Napapagod na ba ako kaya ako sumusulat ng ganito? Gusto ko na bang manghingi ng paliwanag pero ‘di ko lang magawa? Naguguluhan na ba ako? Nalalabuan?  Nahihirapan na ba ako? Napapanghinaan na ba ako ng loob? Sumusuko na ba ako?

Wala naman akong karapatang magdemand ng reply. Wala rin akong karapatang manghingi ng paliwanag sa kawalan ng reply. Wala rin naman ako sa lugar na maguluhan, at malabuan. Sino ba ako para sabihing nahihirapan at napanghihinaan ako ng loob. At wala namang epekto sa mundo kung sumuko ako.

Kasalanan ko naman. Sinanay ko ang sarili ko na may reply ka. Wala namang bago sa mga message ko, bakit ba nag-iintay pa ako ng reply.

Going back to the corner where I first saw you
Gonna camp in my sleeping bag I’m not gonna move
Got some words on cardboard, got your picture in my hand
Saying, “If you see this girl can you tell her where I am?”

Some try to hand me money, they don’t understand
I’m not broke – I’m just a broken-hearted man
I know it makes no sense but what else can I do?
How can I move on when I’m still in love with you?

Cause if one day you wake up and find that you’re missing me
And your heart starts to wonder where on this earth I could be
Thinking maybe you’ll come back here to the place that we’d meet
And you’ll see me waiting for you on the corner of the street

So I’m not moving, I’m not moving,
I’m not moving, I’m not moving

 

‘Di naman ako nag-iisang nag-iintay sa mundo.

Okay lang na walang reply, basta alam mong andito ako.

Mahal kita.

Advertisements

84 of 365

May deadline ako sa Tuesday pero until now wala pa din akong nasisimulan. ‘Di ko alam kung kinakalawang na talaga ako o sadyang wala lang sa mood. Sadyang tag-tuyot ang utak, sumasabay sa init ng panahon.

Kaya naisipan kong bumyahe. Mukha k’seng kailangan ko ng makalanghap ng malinis na hangin.

Parang F5, narerefresh ng Sagada ang utak ko.

Bago pa man inakyat nina Judy Ann at Piolo, at ni JM at Angelica ang Sagada, nauna ko nang naisigaw sa mga bundok dito ang mga pagkabadtrip ko sa mundo. Dati pag naglalayas ako, hanggang Baguio lang ako. Nung nabasa ko ang Kasal ni Eli Rueda Guieb III, pinilit kong marating ang Pulag. At nung minsang natripan ko lang sumakay ng jeep pa-Sagada nung nasa Baguio ako. At ‘yun, instant close na kami.

Maglalakad ako hanggat may kalsada. Kakain ng mga paborito kong dahon sa Salt and Pepper. Bibili ng tapuy. Maglalakad. Magkakape sa Gaia. Maglalakad. Lalanghap ng sariwang hangin.

Kaso bigo ako ngayon.

Madaming tao. Maingay. ‘Di ko solo ang St. Joseph. ‘Di ko solo ang Salt and Pepper. Andami kong kasabay maglakad nung papunta akong Gaia kaya ‘di na ako tumuloy. Walang moment na naganap. Walang pagrerefresh.

Mamaya babyahe na ako pababa.


Ang dami nang nabago sa Sagada.

‘Di na siya ‘yung Sagadang minahal ko dati. ‘Di na siya ‘yung F5 ko. ‘Di na s’ya ‘yung safe haven ko.

O sadyang ako lang talaga ang ‘di makasabay sa pagbabago. Napag-iwanan na ata ako. Dahil hanggang ngayon, andito pa rin ako.

83 of 365

I miss you.

Gusto kong sabihin sa’yo.

Gusto kong malaman mo.

Ilang beses ko na bang sinabing ayokong maging makulit. Pero ganun pa din. Makulit pa rin ako dito. I’m trying to be that “cool”. I’m trying not to be that clingy. I’m trying not to look like desperate. But I don’t know what to do. I think I still scare you away. Or maybe I irritate you in some way. ‘Di ko alam.

Makulit pa rin ba ako?

Nakakainis na ba ako?

Am i too insensitive para ‘di malaman ang mga sagot sa mga tanong ko?

Do you hate me?

______________________________________________________

Mahal kita.

Gusto kong sabihin sa’yo.

Gusto kong malaman mo.

‘Di ko lang alam kung ano ang gagawin. O ‘di ko dapat gawin. Kung saan ko ilulugar ang sarili ko. O may lulugaran ba ako.

______________________________________________________

Mahal kita.

 

 

 

81 of 365

Kumusta? Sana okay ka lagi.

Kumusta naman ako? Palagi kong sinasabing ayos lang ako pero ngayon, sasabihin kong ‘di ako okay. This is one of those days na matindi ang lungkot na nararamdaman ko. Walang kantang makaka-uplift sa spirit ng katawang lupa ko. Walang pelikulang makakabawas sa bigat.

Madrama ako sa lahat ng bagay. Pero kaya kong ipakitang okay ako.

Except sa mga araw na ganito.

Bukas 4 years nang wala ang kapatid ko. Namatay s’ya na wala ako sa tabi n’ya. Nalibing s’yang ‘di man lang ako nakauwi.

She was born with a hole in her heart. Kaya ‘di lang doble, tripleng alaga ang ginawa namin sa kanya. I told you about her before. I made decisions in the past para sa kanya, para sa pamilya namin.  I gave up school, I gave up life with my family, and I gave up everything. Alam ko, it was not a smart decision to make, pero ‘pag pakiramdam mo sobrang hopeless na yung situation, wala ka nang hindi gagawin.

Sa awa ni Bathala naging okay naman lahat.

And she turned 10.

Ilang beses s’yang nadadapa sa school. Inisip namin, normal lang, ‘di naman k’se namin s’ya sinanay sa long walks at mga laro. Sa t’wing pupunta kami ng SM, magpapakarga s’ya sa akin pag aakyat na ng overpass. Inisip namin, naglalambing lang o baka hinihingal s’ya sa pag-akyat ng hagdan. Hanggang dumalas na ‘yung pagdapa, at ayaw na n’yang umakyat ng hagdan.

Natagalan bago nadetect ng mga doctors kung ano ang problema. Hanggang pumayat sya ng pumayat. Kahit pinag-take na s’ya ng steroids, wala pa ring nagbago.  Binantayan na ng dietitian yung food intake n’ya pero wala pa din. Chineck na nila yung mga digestive organs nya, wala naman problema. Hanggang nahirapan na s’yang lumakad. Pinagtherapy na ‘sya. Pero wala pa din. Lumala lang ng lumala yung condition nya.

Sa muscles pala yung problema. ‘Di na nadagdagan yung mucles n’ya. Normal yung bones sa paglaki, ‘di na makahabol ang laman. Hanggang naging literal na buto’t balat na s’ya. Habang tumatangkad s’ya, lalo s’yang pumapayat. Sobrang sakit para sa amin ‘yung nangyayari sa kanya. Pero alam namin mas masakit ‘yun para sa kanya.

Hanggang ‘di na n’ya mabend yung mga tuhod n’ya, hirap na s’ya gumalaw, lahat masakit na.

Labas-pasok siya sa ospital. Madalas, ayaw n’ya. Pero pag kinausap ko, papayag nang magpa-confine. Madalas ayaw na n’ya uminom ng gamut, ang pait naman k’se. Pero pag pinakiusapan ko, iinumin din naman n’ya.

Nung aalis na ako pa-Dubai, sabi ko mag-cocommute lang ako. Pero sabi n’ya sasama daw s’ya, ihahatid n’ya ako sa airport. Sabi ko wag na k’se nga mahihirapan lang s’ya sa sasakyan dahil ‘di naman na s’ya nakakaupo na naka-bend ang tuhod, paano s’ya uupo sa sasakyan. Ayun umiyak. Ihahatid n’ya daw ako. Kaya last minute nag-arkila kami ng sasakyan para makasama s’ya. Sa byahe, ‘di s’ya umangal, walang masakit, kahit alam naming masakit at ‘di kumportable yung pwesto n’ya. Tiniis n’ya yung byahe nay un maihatid lang ako.

Madalas s’ya mag-message sa akin. Nung may padala nga yung tita ko galing Canada, naalala n’ya pang imessage ako para sabihin ko daw kay Ate Ehms n’ya na madaming kape dun sa package, papuntahin ko daw para makakuha ng kape. Alam n’ya k’seng malakas mag-kape si Ehms. Lagi n’ya ako kinakamusta at lagi s’ya nagkwekwento.

Sa pagtungtong ng unang buwan ko sa Dubai, nakatanggap ako ng tawag mula sa Mama, ‘di na raw gumigising si Allaysa. Ayaw na tumigil sa pagpatak ng luha ko. Kahit anong gawin ko, ayaw tumigil. Pero pinilit ko pa ring pumasok sa trabaho. Pero iyak pa din ako ng iyak.  Hihinto tapos bigla na lang papatak nanaman ang luha ko. Hanggang pumunta na ako sa office ng Executive Chef namin para magpaalam. Sabi ko uuwi ako, baka pag dumating ako gumising na ang kapatid ko. At ‘yun, tumawag ang Executive Chef ko sa Pinas. At sinabi ng mama na wala na si Allaysa. ‘Wag na daw ako umuwi k’se wala naman ako ipangpapamasahe. Maiintindihan naman daw ni Lay ‘yun.

Pagod. Masakit na ang mata at ulo. Pero buong magdamag ‘di ako nakatulog. Kahit anong sabihin sa akin na pampalakas ng loob, hinang-hina pa din ako.

‘Di ako pumasok kinabukasan. At ‘yun sinermonan ako pagkapasok ko. Tinitigan ko lang ng masama. ‘Di ako nagsalita. Ayokong magalit. Lumipas ang mga araw na pumapasok akong lutang, iniisip kung ano ang nangyayari sa Pinas. Hanggang may nagbiro sa akin. “tol, ngumiti ka naman, para ka namang namatayan”. Tinitigan ko din ng masama ska sinabi ko, “Sa mga oras na ‘to… nililibing ang kapatid ko.” Sabay walk-out.

Sobrang struggle yung unang buwan ko sa Dubai. Sobrang struggle yung mawala yung mahalagang tao sa buhay mo na ‘di mo man lang nakita. Pero siguro kung umuwi ako para sa libing n’ya nun, siguro ‘di na ako bumalik. O baka mas lalong ‘di ko kinaya.

Iniiyakan ko pa rin hanggang ngayon. Nung nasa Dubai ako, iniisip ko na lang andun pa din s’ya ‘di nga lang kami nagkikita k’se nasa Dubai ako. Siguro nga, inantay n’ya lang talaga ako umalis k’se alam n’ya makulit ako at ‘di s’ya makakaalis kung nasa tabi n’ya ako. Alam n’ya mahihirapan kami pareho.

Kahit 14 years ang pagitan namin, siya ‘yung pinaka-close ko sa lahat ng kapatid ko. Forever baby namin k’se bunso namin. Kahit masikip, makikipagsiksikan ako sa kama para magkatabi kami matulog sa t’wing uuwi ako ng bahay. S’ya lang ang sumusulat sa akin. Magmemessage s’ya lagi sa akin na uwi na ako.

Siya ang rason bakit ako umaalis.

At siya rin ang rason bakit ako umuuwi.

 

79 of 365

Ilang araw ko na ring tinititigan ang picture mo sa WhatsApp. Nagbabakasakaling marinig mo ang sinasabi ko. O pumasok man lang ako sa isip mo. Pero sadyang ‘di ako pinagpala magkaroon ng powers na ganun.

Lagi kita iniisip.

Gusto kitang kamustahin araw-araw. Gusto kong malaman kung kumain ka na ba, kung maayos ba ang kalagayan mo. Sa tuwing gigising ako, magcoconvert ako ng oras at iisipin ko kung gising ka na ba. Kapag nasinagan ako ng araw, iisipin ko kung nasisinagan ka din ba ng araw sa eksaktong oras na ‘yun, masarap lang kseng isiping kahit gaano man tayo kalayo, nasa ilalim  pa rin tayo ng parehas na araw. At tuwing titingnan ko ang buwan, iniisip kong minsan kaya nagkakasabay tayong tingnan ang buwan. Sa twing magluluto ako, iniisip ko kung kumakain ka kaya ng niluluto ko. Kapag nasa ibang lugar ako, iniisip ko kung maeenjoy mo kaya pumunta sa lugar na ‘yun.  At kapag nagsasoundtrip ako, iniisip ko kung trip mo din kaya ang mga tugtugan ko.

Lagi kita iniisip.

Tuwing tutunog ang phone ko. Tuwing Chasing Cars ang tugtog. Tuwing maaraw. Tuwing umuulan. Kapag mainit. Malamig. Paggising at pagtulog.

Lagi kita iniisip.

Umaasang sa tuwing iniisip kita, maisip mo din ako.

 

 

 

 

 

 

77 of 365

All through my life 

I’ve been looking for someone 

to whom I could share

my happiness and despair.

I looked everywhere

and searched every place

I never stopped

and promised not to quit.

Then I saw you standing

beside me all the way

then I knew the search is over

because it’s you, I finally found.

Old school love letter. Iniisip ko, ilan ba ang nabigyan ko nito?

Nung highschool days, lahat na ata ng kakornikan nagawa ko. Kinaya kong mag-abang, mag-intay, sumundo, maghatid, maulanan for the sake ng ilang minutong makakasama ko yung gusto ko. Gumawa pa ako ng mix tape. Sobrang effort yun nung panahon na yun dahil ang hirap magmanu-manong magrecord ng kanta galing sa radyo o sa tumutugtog na cassette tape. Mahirap magrewind at mag-fast forward. Pag namali ka, pwede mong mapatungan at mabura, at wala ka nang magagawa pa para maretrieve kung anuman ang napatungan mo. Paduguan ng utak kung anong ilalagay sa side A at side B. Walang internet, kailangan mong mag-abang kung kelan patutugtugin sa radyo ang kantang gusto mo.

cassette tape

Uso din dati si Hallmark. Todo pili ng card sa suking tindahan. O pag sinipag pa ay gagawa pa ako ng personalized greeting card kay Wordstar. Tama, kay Wordstar, wala pa si MS Word. Wala pang mouse. Kailangang kabisado ko lahat ng code para majustify, center, bold o italicize ang text. Idodrawing ko muna sa graphing paper ang image na gusto kong ilagay gamit ang asterisk at ampersand, ska ko pa lang iinput sa PC. ASCII art. Pahirapan pa sa dot matrix printer na maingay at kailangan mo pang ikutin ang ribbon pag lumalabo na.

ascii art

At usong-uso ang harana dati. Iniisip ko nga parang inaral ko lang mag-gitara noon para lang makapangharana. Syempre dagdag pogi points ‘yun. Kahit na D-A-G-A lang at walang kamatayang More Than Words ang laging tinutugtog.

Pero paglipas ng panahon, wala nang sulat o tula o greeting card, forward na lang ng message sa phone. Wala nang mixtape o harana, forward na lang ng link from YouTube.

Sobrang dali nang makipag-communicate, ‘di na snail mail, pero ‘di makapag-message. Meron namang jeep, bus, taxi , UV Express pero ‘di pa din makadalaw.

Minsan, o madalas, wala nang panliligaw.

Minsan nga wala na ding relasyon.

________________________________________________________________

Doable naman yung mga bagay to make it impossible for you to say no, mapa-old school man o millenial na ligaw. Madaling makakuha ng A+ for the effort. Madaling magpromise ng magagandang bagay. Who doesn’t enjoy the promises of better tomorrow? I can simply hold your hand and pretend that we have the infinite time and money to conquer the world through the power of our love. Madaling sabihin I can give you everything you want, kahit higit pa dun.

Pero siguro sobrang mahal kita at natuto na ako na it’s not enough na mahal kita. Sobrang daming bagay ang kailangan kong iconsider. Para sa’yo. Dahil hindi magiging madali.

_________________________________________________________________

Ikakahon ko muna ang puso’t damdamin kong naghuhumiyaw ng pag-ibig sa’yo.

Kasama ang mga tula, sulat, greeting card, at haranang nasa casssete tape.

 

 

 

 

 

 

76 of 365

Madaming taong nagsasabing sobrang tamad ko daw. Bakit daw ba umuwi pa ako eh nasa abroad na ako? Kung may raket daw ako e bakit daw ba hindi ko araw-arawin para malaki ang kita? Bakit daw ba nood lang ako ng nood o kaya lagi akong tulog?

May mga bagay na ang hirap ipaliwanag sa ibang tao, lalong mahirap ipaliwanag sa lahat ng tao. Siguro nga yung ibang kapitbahay ay nag-iisip na baka nagtutulak ako ng bawal na gamot, o baka miyembro ako ng isang gun-for-hire syndicate. Kung mas malawak ang imagination nila ay baka naisip na din nilang isa akong alien from outer space.

Siguro nga alien ako. Kakaiba ang takbo ng utak ko. Out of this world ang mga trip ko. At ligayang-ligaya ako pag nasisikatan ako ng araw.

Siguro nga tamad ako. Tulog ako sa umaga. Tanghali ako gumising. Makikita lang akong laging naggigitara ng nakahiga sa terasa. ‘Di ako lumalabas ng bahay.

Kahit ano naman ang gawin ko, may masasabi ang mga tao. Alam mo naman sa Pilipinas, hindi nauubusan ng komento ang mga tao sa paligid. Gumawa ka ng tama, may masasabi. Gumawa ka ng mali, may masasabi. ‘Di nila alam ang ginagawa mo, may masasabi pa din.

Pero siguro nga sanay sila sa normal na pamumuhay ng mga tao at sadyang kakaiba lang ang moda ng pamumuhay ko. Sadyang okay na ako sa mga nagaganap sa buhay ko. ‘Di pa ako nakakadama ng urgency sa pagpapalit ng pangangailangan at priorities sa buhay ko at the moment.

Pero open naman ako sa pagkakaroon ng normal na buhay (kung anumang normal ang nasa standard ng lipunan). Sadyang minahal ko lang ang pagtatrabaho ng tatlong araw na walang tulugan at matulog na for the rest of the month. At mas okay na sa akin yung ‘di lumalabas ng bahay, dahil mas naaapreciate ko ang sinag ng araw.

Okay lang naman sa akin kahit ano ang sabihin o isipin ng ibang tao. Ang iniisip ko lang paano kaya kung ikaw na ang magtanong sa akin. Ano kaya ang isasagot ko sa’yo kung tatanungin mo kung ano ang plano ko sa buhay ko? Kung ano ang pangarap ko?

_________________________________________________________________

You’re all that I want to have. And you’re enough.