#IDILY

Sulat para kay Elsie Even if something doesn’t last forever, it doesn’t mean that it’s not worth your time.

I’m Drunk I love You.

Ilang araw ko na ding sinisimulan ang pagsusulat tungkol sa istorya ni Carson at Dio. Pero hanggang ngayon ay hanggang simula pa rin ako. Inisip kong madali lang ang magsulat ng reaksyon sa  istoryang sumasampal sa mukha ko. Pero hindi pala. Di ko alam kung mahirap magkumpara, o sadyang mahirap lang paulit-ulit  na sabihing ang tanga ni Carson pero ‘di ko masabi sa sarili ko.

Ang sakit ng truth lalo na kung sinasampal sa’yo.

Andyan na e, sinasampal ka na ng katotohanang may mahal s’yang iba. Masakit. Pero madalas we tried to hold on to that feeling na “baka-mahal-nya-din-ako”. A story of tangled mess of emotions na naisip mong paano kung mahal ka na din nya. Maybe it’s not love, but it’s something close enough that you could confuse the two.

Time Check: Umaasa ka pa din.

(Taas-Kamay. Guilty.)

Time is meaningless when you’re in love. May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo, tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung gaano mo siya kamahal kapag wala na siya sayo, and when you lose that person, you lose a part of yourself too. Umaasa ka nalang na sa paglipas ng panahon ay maibabalik mo kung anong nawala sayo. Kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin nalang ng panahon ang lahat ng bagay.

Pero bakit parang di binabago ng panahon ang puso mo?

Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? At lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya? Paano kaya kung hindi mo nalang siya minahal? Paano kaya kung hindi kayo nagkakilala? Para mabura nalang siya sa ala-ala mo. Pano kaya kung noong nagkatagpo kayo, ibang tao ka, ibang tao din sya? Sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon? Maiiba din kaya ang tadhana nyo? Kamay mo pa din ba ang hawak nya? Pangalan mo na ba ang bukang bibig nya? Ikaw na ba ang nasa tabi nya? Ikaw na ba ang kayakap nya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti nya? O ikaw pa rin ang dahilan kung bakit mas pinili nyang magmahal nalang ng iba? Kayo pa rin ba ang para sa isa’t isa?”

(Bakit ba napunta na ako sa mga linya ng Miss You Like Crazy? Sensya na.)

Gagraduate na ‘ko. Gagraduate na rin ako sa lahat.

Congratulations kay Carson na grumaduate na sa lahat. Natagalan man. Looking forward din ako sa paggraduate ko. (Asa.)

Di mo naman kasalanan kung ‘di mo ako mahal.

Sadyang makulit lang talaga ako. At sadyang masarap lang talaga ang bagnet, kahit masama sa puso.

 

 

 

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

One thought on “#IDILY”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: