Hiniram ko muna ang mga linya mula sa Whatsapp profile mo at dinagdagan ng linya ko. ‘Di ko alam kung ano para sa’yo ang mga linyang ‘yun. Pero dama ko namang sa pagkakataon ngayon, ikaw ang may pinaghuhugutan.
Some talk to you in their free time.
And some free their time to talk to you.
May nagpapasama ba ng damdamin mo? Gusto ko man itanong, ‘di ko na itinuloy. Alam ko namang ‘di mo rin naman sasabihin. Maraming bagay ang ‘di ko alam tungkol sa’yo. Gusto ko mang malaman, hinayaan ko na lang na, in time, magkwekwento ka. Pero alam naman natin na ‘di ka nagkwekwento. Sobrang swerte ng taong magiging komportable kang pagsabihan ng mga bagay tungkol sa buhay mo dahil it only means na malalim na yung connection nya sa’yo para ibahagi mo sa kanya ang mga pangyayari sa buhay mo.
‘Di ko alam kung bakit may mga linyang ganun. Dapat na ba akong kumanta ng “halaga” ng Parokya? ‘Sensya na, eto nanaman ako, milya milya na ang narating ng isip dahil lang mga linyang ‘yun. Alam mo naman, ang gusto ko lagi ka masaya. Kahit ‘di ako ang magpasaya sa’yo, ang importante okay ka. Okay na ako dun.
Kaya sana maging okay na.
Mas gusto kong nakikita kay Whatsapp ang mukha mo, kaysa sa mga linyang ‘yun.