52 of 365

‘Di ko pa nasabi sa’yo, I quit my job. Again. For the nth time.

I wanted to tell you. Kaso naisip ko, ‘di naman sya worthy pag-usapan. O ‘di ko lang talaga masabi sa’yo. O nahihiya lang siguro talaga ako.

Ewan ko ba. May sapak na ‘ata talaga ako sa utak. Ngayon okay pa ako, ilang minutes lang hindi na. Okay pa ako nung natulog ako. Paggising ko, bigla na lang, ayoko nang pumasok. Sinubukan ko naman labanan ang thoughts na ‘di na pumasok. Pumasok pa din ako. Pero imbes na sumakay ako ng bus pa-Ayala, sumakay ako ng bus pa-Quiapo.

‘Di ako religous na tao, sadyang naging kumportable na lang akong kausapin si Señor Nazareno. At least ‘di masasabing nababaliw na ako dahil may kausap naman ako, Siya. Kung ikaw ang kakausapin ko sa utak ko, tulad nang ginagawa ko madalas, sasabihin ng ibang tao na nasa Category B na ako (B as in Baliw). Kaya madalas, matatagpuan ko ang sarili kong nakaupo at nakatitig sa Kanya.

Sabi ko sa Kanya: Ano nanaman ‘to? okay naman ako a, bakit may gan’to nanaman? Bakit naduduwag nanaman ako. ‘Di ko ba talaga kaya? Pang-ilang beses na bang ganito? Susuko na lang ba ako lagi? Sobrang loser ko ba talaga? Bakit ba ‘di ko kayang pumasok?

Sobrang loser ko talaga. Wala pa, pero sinusukuan ko na. Ilang beses na ba akong ganito.

Maraming beses na. Susukuan ko, bigla na lang ako mawawala. Highschool pa lang gan’to na ‘ko. Bigla na lang, nagtransfer ako, walang paalam, basta ko na lang iniwan. Nagulat na lang sila, wala na ako. Sobrang walang kwenta kong kaibigan na ‘di man lang ako nagsabi sa kanila na lilipat na ako ng school. Ni hindi man lang ako lumingon pabalik, hindi man lang ako nangamusta, hindi man lang ako nagpaliwanag. At inulit ko pa uli. Hindi lang isang beses, dalawa, tatlo. Madaming beses. Iniwan ko bigla ang MC, ‘di na ako nagparamdam uli pagkatapos gumraduate sa BSA. Iniwan ko ang PolSci. Di ako nagtagal sa Advertising. Bigla na lang ‘di ako pumasok sa CompTech at bigla na lang ‘di na ‘ko nagenroll nung sumunod na sem sa IT. Kahit sa trabaho ganun din, bigla na lang ‘di na pumasok sa KFC, nag-file ng resignation paglipas pa ng 5 months. Nagpasabi lang na ‘di na papasok nung nasa BIR. Tinext lang ang katrabaho na ‘di na papasok sa SPD. Siguro nga kung pwede lang bumyahe ng bus at umuwi nung andyan ako sa Dubai, bigla na lang ako din siguro ako mawawala. Pero ilang beses din yung bigla na lang akong nagfile ng leave at nagkulong sa kwarto ng ilang araw. Natapos ko naman ang tatlong taong kontrata, pero hindi katulad ng nakagawian sa company na lilibot ka, magpapaalam sa mga kasama mo sa trabaho at magpapapicture. Tahimik akong nawala, walang paalam, walang pag-libot, walang picture taking.

At ‘eto nanaman ako.

Naiintindihan mo naman siguro bakit ‘di ko masabi sa’yo. Ayokong makita mo ‘yung pagiging loser ko. Pero ‘di ko din naman maitatago ‘tong sapak ko sa ulo. I am a work-in-progress. Parang project ng DPWH na ‘di matapos-tapos. Sa tinagal-tagal hinahanap pa rin ang safe haven ko. Alam ko this side of me can scare you away. Sino ba naman ang magkakagusto sa taong walang sense of direction sa buhay (original line ng isang ex). Sobrang babatukan na nga siguro ako ng nanay ko, pakunswelo na lang sigurong ‘di naman ako adik at lasinggero.

Sino ba ang matutuwa sa palagiang transience? Sino ba naman ang hindi maghahangad ng permanence?

 

 

 

 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: