#IDILY

I’m Drunk I love You.

Ilang araw ko na ding sinisimulan ang pagsusulat tungkol sa istorya ni Carson at Dio. Pero hanggang ngayon ay hanggang simula pa rin ako. Inisip kong madali lang ang magsulat ng reaksyon sa  istoryang sumasampal sa mukha ko. Pero hindi pala. Di ko alam kung mahirap magkumpara, o sadyang mahirap lang paulit-ulit  na sabihing ang tanga ni Carson pero ‘di ko masabi sa sarili ko.

Ang sakit ng truth lalo na kung sinasampal sa’yo.

Andyan na e, sinasampal ka na ng katotohanang may mahal s’yang iba. Masakit. Pero madalas we tried to hold on to that feeling na “baka-mahal-nya-din-ako”. A story of tangled mess of emotions na naisip mong paano kung mahal ka na din nya. Maybe it’s not love, but it’s something close enough that you could confuse the two.

Time Check: Umaasa ka pa din.

(Taas-Kamay. Guilty.)

Time is meaningless when you’re in love. May mga bagay na panahon lang ang makakapagturo sayo, tulad ng kung gaano mo kamahal ang isang tao. Madalas, nalalaman mo lang kung gaano mo siya kamahal kapag wala na siya sayo, and when you lose that person, you lose a part of yourself too. Umaasa ka nalang na sa paglipas ng panahon ay maibabalik mo kung anong nawala sayo. Kung hindi na maibabalik ang dati, babaguhin nalang ng panahon ang lahat ng bagay.

Pero bakit parang di binabago ng panahon ang puso mo?

Bakit kahit alam mong tapos na ang lahat, pilit mong binabalikan yung simula? At lagi mong tinatanong, paano kaya kung mas minahal mo siya? Paano kaya kung hindi mo nalang siya minahal? Paano kaya kung hindi kayo nagkakilala? Para mabura nalang siya sa ala-ala mo. Pano kaya kung noong nagkatagpo kayo, ibang tao ka, ibang tao din sya? Sa ibang pagkakataon, sa ibang lugar, sa ibang panahon? Maiiba din kaya ang tadhana nyo? Kamay mo pa din ba ang hawak nya? Pangalan mo na ba ang bukang bibig nya? Ikaw na ba ang nasa tabi nya? Ikaw na ba ang kayakap nya? Ikaw na ba ang dahilan ng mga ngiti nya? O ikaw pa rin ang dahilan kung bakit mas pinili nyang magmahal nalang ng iba? Kayo pa rin ba ang para sa isa’t isa?”

(Bakit ba napunta na ako sa mga linya ng Miss You Like Crazy? Sensya na.)

Gagraduate na ‘ko. Gagraduate na rin ako sa lahat.

Congratulations kay Carson na grumaduate na sa lahat. Natagalan man. Looking forward din ako sa paggraduate ko. (Asa.)

Di mo naman kasalanan kung ‘di mo ako mahal.

Sadyang makulit lang talaga ako. At sadyang masarap lang talaga ang bagnet, kahit masama sa puso.

 

 

 

 

 

 

53 of 365

Hiniram ko muna ang mga linya mula sa Whatsapp profile mo at dinagdagan ng linya ko. ‘Di ko alam kung ano para sa’yo ang mga linyang ‘yun. Pero dama ko namang sa pagkakataon ngayon, ikaw ang may pinaghuhugutan.

Some talk to you in their free time.

And some free their time to talk to you.

May nagpapasama ba ng damdamin mo? Gusto ko man itanong, ‘di ko na itinuloy. Alam ko namang ‘di mo rin naman sasabihin. Maraming bagay ang ‘di ko alam tungkol sa’yo. Gusto ko mang malaman, hinayaan ko na lang na, in time, magkwekwento ka. Pero alam naman natin na ‘di ka nagkwekwento. Sobrang swerte ng taong magiging komportable kang pagsabihan ng mga bagay tungkol sa buhay mo dahil it only means na malalim na yung connection nya sa’yo para ibahagi mo sa kanya ang mga pangyayari sa buhay mo.

‘Di ko alam kung bakit may mga linyang ganun. Dapat na ba akong kumanta ng “halaga” ng Parokya? ‘Sensya na, eto nanaman ako, milya milya na ang narating ng isip dahil lang mga linyang ‘yun. Alam mo naman, ang gusto ko lagi ka masaya. Kahit ‘di ako ang magpasaya sa’yo, ang importante okay ka. Okay na ako dun. 

Kaya sana maging okay na.

Mas gusto kong nakikita kay Whatsapp ang mukha mo, kaysa sa mga linyang ‘yun.

52 of 365

‘Di ko pa nasabi sa’yo, I quit my job. Again. For the nth time.

I wanted to tell you. Kaso naisip ko, ‘di naman sya worthy pag-usapan. O ‘di ko lang talaga masabi sa’yo. O nahihiya lang siguro talaga ako.

Ewan ko ba. May sapak na ‘ata talaga ako sa utak. Ngayon okay pa ako, ilang minutes lang hindi na. Okay pa ako nung natulog ako. Paggising ko, bigla na lang, ayoko nang pumasok. Sinubukan ko naman labanan ang thoughts na ‘di na pumasok. Pumasok pa din ako. Pero imbes na sumakay ako ng bus pa-Ayala, sumakay ako ng bus pa-Quiapo.

‘Di ako religous na tao, sadyang naging kumportable na lang akong kausapin si Señor Nazareno. At least ‘di masasabing nababaliw na ako dahil may kausap naman ako, Siya. Kung ikaw ang kakausapin ko sa utak ko, tulad nang ginagawa ko madalas, sasabihin ng ibang tao na nasa Category B na ako (B as in Baliw). Kaya madalas, matatagpuan ko ang sarili kong nakaupo at nakatitig sa Kanya.

Sabi ko sa Kanya: Ano nanaman ‘to? okay naman ako a, bakit may gan’to nanaman? Bakit naduduwag nanaman ako. ‘Di ko ba talaga kaya? Pang-ilang beses na bang ganito? Susuko na lang ba ako lagi? Sobrang loser ko ba talaga? Bakit ba ‘di ko kayang pumasok?

Sobrang loser ko talaga. Wala pa, pero sinusukuan ko na. Ilang beses na ba akong ganito.

Maraming beses na. Susukuan ko, bigla na lang ako mawawala. Highschool pa lang gan’to na ‘ko. Bigla na lang, nagtransfer ako, walang paalam, basta ko na lang iniwan. Nagulat na lang sila, wala na ako. Sobrang walang kwenta kong kaibigan na ‘di man lang ako nagsabi sa kanila na lilipat na ako ng school. Ni hindi man lang ako lumingon pabalik, hindi man lang ako nangamusta, hindi man lang ako nagpaliwanag. At inulit ko pa uli. Hindi lang isang beses, dalawa, tatlo. Madaming beses. Iniwan ko bigla ang MC, ‘di na ako nagparamdam uli pagkatapos gumraduate sa BSA. Iniwan ko ang PolSci. Di ako nagtagal sa Advertising. Bigla na lang ‘di ako pumasok sa CompTech at bigla na lang ‘di na ‘ko nagenroll nung sumunod na sem sa IT. Kahit sa trabaho ganun din, bigla na lang ‘di na pumasok sa KFC, nag-file ng resignation paglipas pa ng 5 months. Nagpasabi lang na ‘di na papasok nung nasa BIR. Tinext lang ang katrabaho na ‘di na papasok sa SPD. Siguro nga kung pwede lang bumyahe ng bus at umuwi nung andyan ako sa Dubai, bigla na lang ako din siguro ako mawawala. Pero ilang beses din yung bigla na lang akong nagfile ng leave at nagkulong sa kwarto ng ilang araw. Natapos ko naman ang tatlong taong kontrata, pero hindi katulad ng nakagawian sa company na lilibot ka, magpapaalam sa mga kasama mo sa trabaho at magpapapicture. Tahimik akong nawala, walang paalam, walang pag-libot, walang picture taking.

At ‘eto nanaman ako.

Naiintindihan mo naman siguro bakit ‘di ko masabi sa’yo. Ayokong makita mo ‘yung pagiging loser ko. Pero ‘di ko din naman maitatago ‘tong sapak ko sa ulo. I am a work-in-progress. Parang project ng DPWH na ‘di matapos-tapos. Sa tinagal-tagal hinahanap pa rin ang safe haven ko. Alam ko this side of me can scare you away. Sino ba naman ang magkakagusto sa taong walang sense of direction sa buhay (original line ng isang ex). Sobrang babatukan na nga siguro ako ng nanay ko, pakunswelo na lang sigurong ‘di naman ako adik at lasinggero.

Sino ba ang matutuwa sa palagiang transience? Sino ba naman ang hindi maghahangad ng permanence?

 

 

 

 

50 of 365

I spent so many years thinking if I really loved you or if I just had a special attachment that I mistook  for love. I know you have your doubts with me saying I love you. For years, I had those doubts too. I had been into different relationships  but then  I always end up with having those regrets of choosing the life without you.  I would often wonder if there was another you out there who was easier to love, and who could love me better. Then I asked myself, “Is it really important for me to establish love beyond doubt? Do I need to have million of reasons?”.

What is love?

We can say we love someone for their smile, their intelligence or even their dress sense. What we love about those things are how they make us feel, and to me, that’s not love — that’s the “feeling” of love which changes, dulls over time and eventually dissipates, to return again when the wind blows.

What if that aspect of what you love were permanently gone? What if a “loved” one suffered a stroke and become immobile and unable to smile, lose their intellect or even the ability to dress themselves?

Would you stop loving them?

What if they did something to make you mad?

To me, love is a decision. A conscious choice to love is the decision to be kind, compassionate, affectionate and understanding towards someone.

The decision to be joyful in bringing someone happiness. And the more you love them, the more you would be those things for them. So even if the things they were that made you feel love for them weren’t there, it’s your choice to love them that counts.

You can’t always feel the love, but you can always make the choice to act with love.

(full article)

After reading those lines I realized why do I always look for satisfying answer, why do I always ask myself if I really love you. It could be as simple as noticing that in my deepest heart’s truth, I just do.

Love is a conscious decision.

And I am enthusiastically choosing you.

Every single day.

 

 

49 of 365

Lately, sobrang iniisip kita. Ewan ko, kahit sobrang busy, bigla na lang maiisip kita… Siguro kasalanan ko din. Ako naman kse ang gumagawa ng mga bagay na magpapaalala sa akin about sa’yo. Everytime na bubuksan ko ang phone ko maaalala kita. Pati pc… at kung anumang account na bubuksan ko, maiisip kita.

Iniisip kita lagi kaya kung anu-anong kakornikan ang naiisipan kong gawin para sa’yo. Sana lang sa mga ginagawa ko, napapractice ko na ang tibay ng loob ko. Baka kse pag andyan ka na, di ko nanaman kayang magpakita. Aanhin pa ang mga bagay na ‘to kung ‘di ko naman kayang humarap sa’yo di ba? Ewan ko ba, sobrang duwag ko talaga.

Sobrang duwag ko, sobrang daming lakas ng loob ang kailangan para lang makapagstart ng conversation sa’yo, buti na lang nagrereply ka na. Salamat sa pagreply. Sobrang laking bagay na nagrereply ka ngayon. Matagal ko nang hindi ginagawa ang mga bagay na ‘to,  kaya ilang inhale-exhale muna bago makapag-umpisa, minsan nga lagi na lang umpisa, kaya kung nakukulitan ka na, open and honest communication lang… para alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Minsan kse, madalas pala, makulit talaga ako. Medyo pinipigilan ko pa ang sarili kong maging makulit ngayon kse nga nakaka-turn off daw yung makulit. Pero in case na ‘di ko na namamalayan na makulit na ako, ikaw lang naman ang makakapagsabi na makulit na ako, at ikaw lang naman ang makukulitan pag di mo sinabi sa akin na makulit na ako. Pipilitin ko maging sensitive enough para di na kailanganin pa na sabihan mo ‘kong makulit na ako, pero in case na insensitive akong nakukulitan ka na, sabihin mo lang: makulit ka na.

I want to be sensitive enough para ‘di ka masaktan, ‘di ka makulitan. Pero sobrang mahal kita na ayokong maging manghuhula. Ayoko nang magtiwala sa instincts ko. Kaya lagi tinatanong kita. Sinukuan ko na ang pagbasa sa naiisip mo kaya umaasa na lang ako sa open and honest communication sa pagitan nating dalawa.

Open and honest communication: Sobrang iniisip kita.