Harana no.1

Gusto ko sana kantahan ka. Yung alam mong ikaw yung kinakantahan ko. Yung alam mo na para sa’yo yung kinakanta ko. K’so di naman kagandahan ang boses ko, sa mga lasing lang maganda ang boses ko. ‘Di rin kagwapuhan, kaya di ko kayang ivideo ang sarili ko… Kaya yun, sagot na ni Pareng Kaye ang pagharana ko… 

Ingat ka lage. 

29 of 365

5 days na kitang ‘di nararamdaman.

Alam ko wala naman akong karapatan mag-demand ng reply everytime na may message ako. Lalong wala naman akong karapatan to ask for an explanation. Wala akong ibang magagawa kundi mag-intay. Pero minsan sa pag-iintay na yun, ‘di ko maiwasan mag-isip. Paano kung ‘di ka naman natutuwa sa messages ko kaya di ka nagrereply. Masyado ba akong manhid para ‘di ko maintindihan ang gusto mong mangyari. What if tinetest mo lang hanggang kailan ako mag-iintay. O paano kung you’re just being nice, na ‘di mo ako mai-turn down kaya hinahayaan mo na lang na mapagod ako.

I gave up on reading your thoughts years ago. Ayoko nang mag-assume, ayoko nang manghula, ayoko nang makiramdam. Ayoko nang hulaan kung ano ang nasa isip mo. Kase wala naman naitutulong sa akin. Ilang beses na sa buhay ko na sumuko ako dahil sa mga ‘baka’. 

Kaya pasensya na kung sa tingin mo insensitive ako sa gusto mong mangyari. Pasensya na kung makukulitan ka sa akin. I’ll keep on doing things na gusto ng puso ko. Hanggang siguro sabihin mo na ‘di talaga pwede. Na nakukulitan ka na. Sabi nga ni Sushmita Sen, “You will never know if you will not try. You have to give life a shot.” I have to do this. Kung may pinagsisisihan siguro ako sa buhay ko, yun yung umalis ako agad sa Circle na wala ka pa. Dapat ‘di ako nagpatalo sa fear ko na ‘di mo ‘ko maiintindihan. Dapat inintay kita. Matagal man dapat inintay kita.
Pero wag ka mag-alala. Madali naman ako kausap. Kung nakukulitan ka na, pwede naman akong tumigil. Kung ayaw mo maramdaman ang presensya ko, kaya ko namang maglaho. Just tell me. Wala naman bagay na ‘di ko kakayaning gawin para sa’yo.

Basta lagi ka mag-iingat. Lagi kita iniisip kya ingat lagi.

22 of 365

Elsie,

Natapos na ang bakasyon mo pero ‘di man lang tayo nagkita. Kasalanan ko din kse, ‘di ko pinush na maganap ang lugaw session natin. Kasalanan ko kse sobrang duwag ko samantalang ang tagal kong inintay yung pagkakataon na magkita tayo. Iniisip mo siguro, para sa akin maliit na bagay lang na nagbakasyon ka. ‘Di man lang ako nag-effort na makita ka. Samantalang antagal kong inintay ‘yun. Kso eto, natapos na’t lahat ang bakasyon mo wala pa rin akong ginawa. 

Katulad din ng ilang taong pinalipas ko. Wala akong ginawa.

Gusto kong makita ka. Gusto kong makausap ka. Gusto kong marinig yung mga kwento ng pangyayari sa buhay mo. Gusto kong kumustahin ka araw-araw. Gusto kong nasa tabi mo ako sa mga pagkakataon na gusto mo ng kausap. Gusto ko araw-araw sabihin sa’yo, ipadama sa’yo na mahal kita, na andito ako para sa’yo. 

Kaso ayoko maging makulit sa’yo. Ayokong pagsawaan mo yung mga linya ko. Ayokong dumating ung time na sasabihin mong tama na, nakakaumay na. 

Kaya pinili ko na lang na mahalin ka ng ganito. 

Okay na siguro na sabihin ko sa’yo ang mga bagay na ‘to para malaman mo ‘yung presensya ko. Magiintay lang ako ‘pag sinabi mong go, pwede na akong maging makulit. Manliligaw ako pag sinabi mong pwede na. Old school pero gusto kong magsimula sa right track, na makilala ka at makilala mo ‘ko. 

Tatanggapin ko naman pag sinabi mong ‘di pwedeng maging makulit. Tatanggapin ko naman yung sagot na ‘di ka pa ready. Tatanggapin ko din kung meron nang iba. Tatanggapin ko din kahit seen-zone at no comment. Tatanggapin ko din ang linyang hanggang friends lang tayo. Gusto ko lang gawin na malinaw ang mga gusto kong sabihin sa’yo… Na mahal na mahal kita at andito ako lagi para sa’yo. 

Page 3 of 365

Inubos ko ang nalalabing araw  ng 2016 sa pag-convince sa’yo na magpakita sa akin. Inubos ang panahon ko sa paghahanap ng place, pag-iisip ng anong gagawin natin. Inubos ko ang panahon na yun sa pag-imagine ng sobrang ganda at sobrang sayang birthday ko. With you.

Gusto kita makita…

K’so ‘di ko pala kaya.

‘Di ko kaya. ‘Di ko pa kaya. Ewan ko.

‘Di ko alam kung saan ako natatakot. Natatakot ba ako sa’yo. O sa sasabihin mo. O sa gagawin mo. O natatakot akong tuldukan ang lahat ng bagay sa ating dalawa.

Akala ko ready na ako. Pero ‘di pala.

Madadagdagan pa ang mga sulat para sa’yo. Imaginary ka pa rin. At siguro ‘di na talaga magkakatotoo.

Sa 7.5 billion na tao sa mundo, nangarap ako na ikaw ang nakalaan para sa akin. At ‘di pa ako ready na mabasag ang pangarap ko.  Wag muna ngayon. Sobrang mahal pa kita.