27 days na lang uuwi ka na. Ilang kilometro na lang ang layo nating dalawa, hindi na 4,306 miles. Wala nang 4 hours difference. Nasa ating dalawa na lang talaga siguro kung ‘di tayo magkikita at maguusap sa pagkakataon na ‘yun. O sobrang duwag ko na lang talaga.
Nagvirtual inuman kami nung nakaraang araw nung barkada ko. Virtual dahil umiinom sya sa Paranaque habang ako ay tumititig sa 3 lata ng San Mig Light dito sa Bulacan. Nagpapadala lang kami ng picture habang nagchachat kami sa Facebook para makita namin ang kaganapan sa magkabilang mundo ng inuman namin.
Ely: So okay na ang pakiramdam, nakatulong naman si beer?
Josh: ahhmmm, medyo gumaan na loob ko. thanks to you.
Ely: Salamat sa espiritu ni san miguel 😇!
Josh: hahaha! ngayon lang ako ulit uminom.
Ely: Dapat dinaan mo na lang din sa kanta, magvideoke ka. May bagyo naman na, keribels na kung uulan 😁 Ako tinititigan ko pa rin hahaha baka mauna pa kse akong magdrama pag uminom ako hahahaha
Josh: ang daya.
Ely: Hahahaha
Josh: kamusta ka na ba? sorry, ang rude ko, ngayon lng kita kinamusta.
Ely: Asus moment mo ‘to, ano ka ba? 😆 Okay lang ako, kakamustahin pa ba kita? ☺
Josh: pangalawa ko ng beer, kaw wala pa din. dinaya mo talaga. di nga, kamusta kana?
Ely: Hahaha tinititigan ko pa nga
Josh: may KR ka ? (*KR- karelasyon)
Ely: Wala
Josh: maghanap ka kasi. para may dagdag na problema, hahaha! joke lang.
Ely: May iniintay. Para di na lagi we have a right love at the wrong time ang theme song.
Josh: shet. hahaha! ilan na ba nakantahan mo nyan?! wag kang maghintay hanapin mo.
Ely: Adik lang, nahanap ko na iniintay ko na lang hahahaha
Josh: hay naku. nagpapahintay ba sya? baka di nya alam na hinihintay mo sya.
Ely: Hahaha nakuha mo!
Josh: hahaha! i know you.
Ely: Wala pa din pagbabago
Josh: hahaha!
Josh: hahaha! i try mo naman minsan, na ikaw ang hinihintay.
Ely: malabo
Josh: hahaha! malabo pa ba sa tubig ng ilog pasig?!
Ely: Oo. teka lang moment mo ‘to e bakit ako ang naging topic
Josh: hahaha, gnun talga, lumipat na sa’yo ang spotlight.
Ely: nakakaligaya ba ang kwento ng pagiging loser ko? hahahaha
Josh: hindi noh. ano ka ba!
Ely: hahahaha kabisado mo naman ako, wala nang bago sa pag-ibig sa akin hahaha
Josh: oo nga eh, magbago ka na. hahaha!
Ely: hahaha. how to be you po? hahaha
Josh: hahaha! naku hindi ako magandang model. hahaha!
Ely: hahahaha hindi ba?
Josh: hahaha! mabait ako uy!
Ely: alam ko namang mabait ka hahaha. ano ubos na ang dalawang lata? meron pang tatlo dito
Josh: mauubos na. daya mo talaga. pati playlist ko matatapos na.
Ely: ang tagal ko na di umiinom baka tawagan ko bigla yung di ko dapat tawagan hahaha
Josh: hahaha! pede mo naman daw tawagan kahit hindi nakainom.
Ely: ayoko nga sabihin pa nya na loser talaga ako hahaha. nakakaturn off daw ung makulit kaya pinanghahawakan kong di sya tawagan
Josh: minsan ok din naman maging makulit. tawagan mo na, bilis!
Ely: ayoko long distance hahaha
Josh: ah talaga? nasa abroad?
Ely: natatandaan mo si Elsie, si Lemon? classmate ko nun sa Polsci, nasa Dubai din. S’ya pa din ‘tol hahahaha
Josh: si Elsie?! wow!
Ely: ancient history na di ba? kaya change topic na, ikaw naman magkwento
Josh: juskolord. kelan ba ang tamang panahon nyo?! hahaha!
Ely: hahaha,
Mahaba-haba ding sermon ang tinanggap ko galing sa kanya. At siguradong hihiwalay daw ang ulo at leeg ko dahil makakatanggap ako ng madaming batok sa kanya pag nagkita kami. Kung sa pagkakataon daw na ‘to at ‘di ko pa naayos ang dapat kong ayusin, o tapusin ang dapat kong tapusin, at nagdrama nanaman ako sa kanya, ewan na lang nya kung ano ang gagawin nya sa akin. Sabi ko naman sa kanya, di na nga ako nagkwekwento, s’ya ‘tong mapilit. Kaya ko naman ‘to mag-isa. Kinaya ko na ng mahabang panahon, bakit ba ‘di ko kakayanin pang iextend na kayanin pa.
Ikaw na lang ang ‘di nakakaalam na minahal kita, na minamahal kita.
Kasalanan ko din naman, sobrang duwag ko.
27 days na lang nasa Pinas ka na. Ilang araw pa kaya bago ako makaipon ang lakas ng loob na magpakita sa’yo.
Ilang sulat pa kaya ang dadagdag dito?