One month na lang bakasyon mo na. Di ko alam kung matutuwa ba akong dadating ka na. Di ko alam kung magpapakita ka sa akin. O kaya ko bang magpakita sa’yo.
7 years… Madami nang nagbago sa’yo. Ako, ganto pa din.
Antagal na kitang gustong makita, makausap, pero pag andyan na yung pagkakataon, sobrang duwag ko naman. Siguro nga kaya kahit di pa ako nanliligaw binasted ko na ang sarili ko. Di ko man lang sinimulan, di ko man lang sinubukan.
Alam ko k’se malabo talaga.
Magkaibang mundo k’se tayo.
At alam ko mahihirapan ka lang sa mundo ko. Maraming wala sa mundo ko. Nagkakasya na k’se ako sa mundo in its simplest form. Wala nga daw akong pangarap sabi ng iba. Di lang nila maintindihan na iba yung pangarap nila sa pinapangarap ko.
Ayokong maging selfish sa’yo, gusto ko maenjoy mo lahat ng bagay na pwede mong ienjoy sa mundo, na ‘di ko naman kayang ibigay sa’yo. Alam ko naman you can have everything na gusto mo kung gugustuhin mo.
Just in case na napagod ka na at kailangan mo ng ibang mundo, andito lang ako at ang mundo ko in its simplest form. ‘Di ko maipapangako ang buwan at mga bituin. Ang kaya kong ioffer… Ako. At ang naguumapaw na pagmamahal ko sa’yo.