NP: All I Ask

If this is my last night with you

Hold me like I’m more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do
It matters how this ends
‘Cause what if I never love again?

Medyo maulan kaya medyo madrama nanaman ang mood ng utak ko… Iniiwasan ko na talaga magsulat… Alam ko din naman kse wala rin naman magagawa maging nobela man ang mga sinusulat ko dito. Wala rin naman makakapagbago ng isip mo, ng nararamdaman mo.

I tried to be better for you. I’m still trying to be better. Kso wala, nagiging bitter lang ‘ata, walang better na nagaganap.

Gusto kong matawa sa linya ng kantang ‘to, masyado na kseng desperado… Pero siguro kung magkakaroon ako ng pagkakataon, sasabihin ko rin sa’yo ang mga linyang ‘yun. Desperado man pero minsan masarap naman din na may maalalang maganda ‘di ba? Paano nga kung ‘di na ko magmahal uli, at least may maganda namang memory sa utak ko… Maganda ung matatandaan ko. Mahalaga kung paano tayo matatapos. Mahalaga yung isipin kong may tinapos nga tayo.

Sa love story na may simula, gitna, pero walang ending, nangangarap din ang bida na mahawakan ang kamay ng kanyang imaginary girlfriend, masabing ‘mahal kita kahit ayaw mo maniwala’. Gusto nya na rin naman lagyan ng tuldok ang lovestory nilang dalawa. Lagi na lang kseng question mark at abangan ang susunod na kabanata. Gusto nya na rin naman lagyan ng ending. Isang magandang ending. Kahit ‘di masaya. Basta importante, maganda. Magandang ending.

Sulat para kay Elsie.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s