Gusto kitang kausapin kahit wala naman akong sasabihin

Gusto kitang kausapin kahit wala naman akong sasabihin. Minsan wala na talaga akong maging umpisa. Good morning. Magandang tanghali. Kumain ka na ba? Kain tayo. Musta? Gandang gabi. Pag naubos na, uulit na lang uli. Gusto ko lang makausap ka kahit wala naman akong masabi. Para maramdaman kita, maramdaman mo ako. 

Ano naman ba ang ikwekwento ko sayo? Di naman ganung kaexciting ang pang-araw araw na nagaganap sa buhay ko. Pero yun, gusto kong makausap ka kse baka ikaw may gusto  ka ikwento. Baka malungkot ka, maparamdam ko man lang na may taong ngeexist para sa’yo, na makikinig sa kahit anuman yang pinagdadaanan mo. Kung masaya ka, magiging masaya din ako para sa’yo.

Kaso sabi nila nakakaturn off daw ang masyadong clingy. Kaya iniiwasan ko na rin ang araw-araw na kamusta. Binabawalan ko rin ang sarili ko sa follow up na text kung di ka nagreply sa una. Kung sosobra daw kse ay di na clingy ang category kundi desperado na. Kaya gustuhin ko man araw-araw mong maramdaman ang presensya ko ay wag na lang. Baka din kse magsawa ka na sa kamusta.

Pero eto, araw-araw may laman ang blog ko. Pwede naman siguro dito, di mo naman alam na nageexist ang blog na ‘to. Dito pwede ang hugot. Dito pwede kang mahalin.

(Day 10)

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

2 thoughts on “Gusto kitang kausapin kahit wala naman akong sasabihin”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: