Bakit nga ba mahirap hanapin ang true love?
Nagbabasa ako sa newsfeed ko ng makita ang post na ‘yan. Madaming comment at pinagtyagaan ko naman basahin lahat. Matagal ko na ring tanong ‘yan kaya umaasa akong merong makakasagot at makakapagbukas sa akin sa pintuan ng kalinawan kung bakit nga ba mahirap hanapin ang true love.
Pero naisip ko bago pa masagot ang bakit e kailangan ko munang masagot kung ano nga ba ang true love. Mahirap naman kse maghanap ng isang bagay na di mo naman alam kung ano.
Ano nga ba ang true love?
True love na bang matatawag ang girlfriend mo nang 25 years? E paano naman yung tatlong buwan mo lang nakasama pero minahal mo ng tunay? Matatawag mo bang true love kahit di ka naman kayang mahalin in return? Tunay bang pagmamahal ang pagmamahal na bawal?
Ang true love ay walang definite na sukatan. Walang definite na definition. Sadyang bahala na ang nakakadama kung ang nadarama ay icoconsider nyang pag-ibig na wagas. Walang basagan ng trip.
Kaya kung bakit mahirap hanapin ang true love ay nakasalalay sa makakadama. Sadyang may mga taong manhid, mga taong assumero, at may mga pinagpalang may pandama at magaling na judgement.
Mahirap talaga mahanap ang true love kung ikaw ay manhid. Mahirap din naman para sa mga assumero dahil lahat na lang ay kinoconsider nilang true love, kahit di naman. Sadyang pinagpala ka na lang kung ikaw ay may pandama at magaling ang iyong judgement, dahil ikaw lang naman talaga ang magpapasya kung ang pag-ibig ba’y tunay o hindi.
Bakit ba mahirap hanapin ang true love?
Dahil mahirap magset ng qualifications ng true love. Mahirap din iset ang parameters sa pagpapatupad ng mga qualifications na yan. Sadyang subjective ang terminong true love kaya wag na natin pasakitin ang ulo natin. Hayaan na lang na madama natin. Wag mo na isipin.
(Day 9)