Day 8

Marami na rin akong nakakalimutan. Sign of aging. Pero pinipilit ko maalala. Samantalang dati kahit pinakamaliit na detalye kabisado ko. Lahat ng date, lugar, pangyayari… Naaalala ko pang March 19, 1521 dumating si Magellan.

Pero habang lumilipas ang panahon, nakakalimutan ko na… Sabi nila normal na yun dahil kailangan nang ioverwrite ang mga lumang memory para sa mga bagong memory. Kaso madalas, ang nakakalimutan ko yung mas bagong memory. Kung saan ko nilagay ang cellphone ko na nilapag ko a minute ago. Nalilimutan kong nag-iinit pala ako ng tubig, nalilimutan kong may ginagawa ako at maguumpisa nanaman ako ng ibang gagawin. Sabi nila normal na yun sa pagtanda. 

Pero syempre minsan natatakot din ako. Nakita ko kung paano si Lola nung may Alzheimers sya. Mabait sya sa ‘kin, pero boy lang ang tawag nya sa akin, di nya alam kung sino ako. Wala syang kakilala sa mga anak nya. Kahit nga si Lolo di nya kilala. 

Pagdating kaya ng time na yun makakalimutan na kita?

Namimili ang utak ko kung ano ang dapat maalala at makalimutan. Kahit anong pilit kong alalahanin, malabo ang 2001-2004. Corrupted yata ang file ng mga year na yun o sadyang may bad sector lang sa utak ko. Ang daming taong di ko naaalala, maraming nangyari pero di ko madetalye. Sinet na ata talaga ni utak na di ko maalala. Pero pilit ko pa rin inaalala. Pero wala talaga.

Yung pilit ko namang kinakalimutan. Di ko makalimutan.

Sadyang Operating System ka na ata ng utak ko na di pde idelete. 

Panatag ako kung ikaw ang matitirang naaalala ko pag nakalimutan ko na lahat. Alam ko magiging masaya ako sa mga alaalang yun. 

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

2 thoughts on “Day 8”

  1. March 16 pa sila dumating, pero bumaba sila ng barko ng 19… hahahahaha antagal na debate dati nun, kaya siguro nakatatak sa utak ko… saka nung panahon namin uso yung pinapakabisa lahat ng date๐Ÿ˜ต, ngayon ata ‘di na ganun… ๐Ÿ˜…

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: