Sorry kung napaka-isip bata ko. Kung tutuusin matagal mo naman na akong binasted. Ewan ko ba, ‘di ko alam kung bakit nagtatanong pa ako. Saka mas okay na yung gan’to. Mas okay na yung friends. Kse okay naman tayo nung magkaibigan tayo. Lagi ka nandyan para sa akin. Di tulad ng ganito.
Saka wala namang forever. Malabo na nga ang lovestory ni Mr. and Mrs. Smith. Bakit pa kailangan ng relasyon kung ganun lang din naman. Masasaktan nyo lang ang isa’t isa.
Saka ang tagal na nung panahon na lumipas. Iba na yung panahon na pinaghuhugutan ko sa panahon ngayon. Wala na nga akong alam tungkol sa’yo. Wala ka rin namang alam tungkol sa akin. ‘Di na natin kilala ang bawat isa. Kaya siguro nagtatanong ka kung saan galing ang mga hugot ko. Wala naman na kseng paghuhugutan. Tagal na natin ‘di nagkikita at nagkakasama. Ni ‘di ko man lang alam baka may karelasyon ka ngayon, eto ako, out of nowhere biglang ganto. Mawawala ako at biglang susulpot. Kung kelan andito ako sa Pinas ska ako maggaganito, nung andyan sa Dubai wala naman akong sinabi.
Saka naisip ko din bakit ba iniintay ko pa ang sagot mo? Samantalang minahal naman kita ng mahabang panahon na gan’to, ‘di naman kailangan ng relasyon para mahalin ang isang tao. Okay na yung magmahal at hindi mag-expect.
Basta lagi mo tatandaan mahal kita. Paniwalaan mo nang mahal kita. Siguro nga ‘di ko naman napadama sa’yo. Kulang yung mga effort na ginawa ko. Pero sana, maniwala ka. Nagsawa na nga ata ang mga barkada ko sa mga kwento ng lovestory ko sa’yo na ikaw na lang ata ang ‘di nakakaalam.
Andito lang ako para sa’yo. ‘Di naman ako nawala. Andito lang ako lagi. Ingat ka. Kung pagtatagpuin tayo ni tadhana, pagtatagpuin tayo.