Day 4.

Medyo matagal ko nang hindi nahahawakan ang sketchpad at mga lapis ko. Kaya ilang oras din ang binuno ko para dito. Medyo madalang na din kse na madapuan ng mood sa pagdrawing. Di tulad dati nung medyo bata pa. Makahawak lang ng ballpen at papel, panigurado may maidodrawing na. Pero ngayon, tatlong oras nang hawak ang lapis, nganga pa rin.

Medyo matagal ko na ding hindi nahahawakan ang mga kamay mo. Dati automatic na ang holding hands sa ating dalawa. Kaya nga akala ko pareho tayo ng nararamdaman sa mga panahon na yun. Akala ko automatic na din yun. Lumipas ang madaming taon bago ko uli nahawakan ang kamay mo. Akala ko, okay na. Pero yun, mawawala ka rin pala. Lumipas uli ang madaming taon at 12dirhams na lang ang layo mo mula sa ‘kin. At yun. Natapos na dun.

Natakot na ‘kong hanapin ka kahit na 12 dirhams na lang ang layo mo sa akin. Natakot na ‘kong makita ka. Natakot na ‘ko kse alam ko masasaktan nanaman ako. Natakot na ‘kong hahayaan mong hawakan ko ang kamay mo. Natakot akong maramdamang hinahawakan mo rin ang kamay ko. Natakot akong madama yung bagay na hindi mo madama. Natakot na ko na kakanta nanaman ako ng Insensitive at Out of Reach. 

Iniisip ko na kung hindi ko na mahawakan ang kamay mo, okay na ‘ko. Kung hindi na kita makikita, kakalma na ang puso ko. 

Medyo matagal ko na ding hindi nababatukan ang sarili ko. Kailangan ko na ‘ata uli ‘to ngayon.

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: