Day 2

Nasa news kanina ang bagong logo ng “Friendzone”. Wala naman akong ginagawa kaya naisipan kong magsearch ng mga articles about sa friendzone. Wala lang, may magawa lang.

Sabi sa isang article, ang friendzone ay naeexperience kung ikaw ay nagbigay ng romantiko o sexual na pagtatangi sa isang kaibigan ngunit ang kaibigang ito ay kaibigan lang ang turing sa’yo. Pero sabi naman ng isa, nilikha ang friendzone para magmukhang kontrabida ang sinumang nangbasted sa’yo at palabasing ikaw ay inapi. Wala naman silang kasalanan kung hanggang friends lang talaga ang kaya nilang i-offer, masyado ka lang talagang feelingero at assumero. 

Para sa mga taong umibig sa kanyang kaibigan at nabigo sa pangarap nilang mahalin sila in return, congratulations, naabot mo na yang stage na yan, pwede ka nang mag-move on.
Mas okay na yung basted. Klaro. Di tulad ng kaso ng magkaibigang umamin yung isa, ayaw naman maniwala nung isa. 


Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: