Day 1

‘Di ko alam after ng chat natin kung ano na ba ang plano ko. Pinipilit kong malaman mo na mahal na kita noon pa. Ayaw mo maniwala dahil iniisip mong kaibigan lang ang tingin ko sa’yo, iyakan, tagapakinig. Sinabi mo pang niyaya lang kitang manood ng sine kse malungkot ako, dahil sa kung kaninong babaeng ‘di mo na matandaan. Ayaw mo pang paniwalaan ang sinasabi ko na ikaw ang kinakantahan ko nung minsang may dala akong gitara. Na kapalan na lang ng mukha na inulit ko para lang paniwalaan mo. 

Akala ko nakalimutan mo na lahat. Pero marami ka pa naman palang naaalala, kso parang magkaiba yung memories natin. Naaalala ko: nanood tayo ng sine at hawak ko ang kamay ng babaeng mahal ko, samantalang ang naaalala mo:nanood tayo ng sine dahil malungkot ang kaibigan mo.

Hindi ko alam bakit di ko na lang itanong sa’yo yung mga nagpapagulo sa isip ko. Para sagutin mo na lang at hindi na ko isip pa ng isip.

‘Di mo ba talaga naramdaman na mahal kita? Ni minsan? Kahit hawak ko na ang kamay mo ‘di mo man lang ako naramdaman? Drama ako ng drama, napakafeelingero ko lang pala talaga.Kaibigan lang pala ako na dinadamayan mo. Ikaw na yung mabuting kaibigan pinagisipan pa kitang paasa. Nakakatawa talaga ako. 

Kaya Day 1. Magsisimula na akong malinaw na sabihin sa’yo. 

Advertisements

Author: bughawblueasul

inlove kay Elsie... inlove sa mga bagay na korni at may hugot... nag-aral ng IT pero nagtatrabaho sa kusina pero binubuhay ng pagsulat...

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s