Lagi na lang na naiisip ko, o siguro nakatatak na talaga sa utak ko na sadyang loser ako pagdating sayo. Ewan ko ba. Pero lagi akong nagkakaron ng insecurity issues pagdating sa’yo. Naalala ko nung nawala na lang ako bigla, at ‘di na nagpakita sa’yo… dahil naiisip ko na ‘di ako magiging deserving sa’yo. Sino ba naman ang nasa bundok na magiging deserving sa pag-ibig mo. Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataon na baguhin ang gulong ng palad ko, sinikap ko naman na maging okay. Pero never ata akong magiging enough sa’yo. Matagal din ako nakarecover nung nadepress ako nung nagkita tayo at naramdaman kong di pa rin ako papasa sa’yo. Service crew ako nun, trabahong di regular at walang kaseguraduhan. After nun nag-aral ako uli, gusto ko talagang maging karapat-dapat sa’yo. Pero yun, sinukuan ko din. Di ko rin natapos. Kaya napilitan akong mag-abroad. Napakabait ng tadhana para dalhin tayo sa parehong lugar sa ibang parte ng mundo. May pagkakataon na akong makita ka. Kso umiral nanaman ang inferiority issues ko at ‘di ko pinush na magkita tayo. Pakiramdam ko kse ‘di pa rin ako karapat-dapat. Kaya umuwi ako ng ‘di man lang tayo nagkita.
Sadyang loser lang ‘ata talaga ako. O sadyang duwag lang talaga.
Mahal kita sapat na siguro yun. Ayoko nang ipilit pa ang sarili ko sa mundo mo.
(Sulat para kay elsie)