Inilista ko lahat ng mahahalagang babae sa buhay ko… Iniisa isa ko silang hanapin sa Facebook… Madami na rin akong nakita, pero meron ding mga wala man lang akong bakas na makita.. Rowena Dela Cruz, Manilyn Bernardo, Emmylou Cubelo, Shirley Marcelo, Ma. Isabel Jacinto, Ma. Carmina Roxas, Rhina Malaca, Blenda Cruz, Elsie Saremo, Josephine Remoblas, Cesaralyn Escoto, Glesilda Magbanua.
Inisa-isa kong alalahanin kung paano ko sila minahal at kung paanong naiiba ang pagmamahal ko sa’yo. Kung paano natapos ang mga chapter nila. At kung paanong minamahal pa din kita.