January 29, 2011 at 8:02pm
Matagal ko nang iniisip na magsulat(magtype), ung ‘di sapilitan(ibig sabihin, hindi dahil kailangan, hindi assignment, hindi activity na bibigyan ng grade)… Parang ‘ung dati, magsusulat ako kse gusto ko lang… magsusulat ako kse gusto kong huminga.
Inhale. Exhale.
(lagi talagang may intro.)
Iniisip ko kung bakit di na nga ba ‘ko nagsusulat… Walang oras? Walang papel? Walang ballpen? Ayoko lang talaga? O isang traumatic experience na talaga para sa akin ang pagsusulat?
Hininto ko ang pagsulat ng nawala s’ya.
Actually lagi naman talaga s’yang wala.
O mas tamang sabihin wala naman talaga s’ya. ‘di naman talaga s’ya nag-exist sa buhay ko.
Sumusulat ako nun, nag-iipon ng mga sulat at umaasang mabibigay ang mga sulat na ‘yun sa kanya pag nagkita kami.
Umaasang maiintindihan n’ya ko.
Umaasang magiging masaya ako sa panahong magkaroon ako ng pagkakataong maiparating sa kanya lahat ng gusto kong sabihin.
Pero ‘di yun nangyari.
……..
Hininto ko ang pagsulat ng nawala s’ya.
Actually lagi naman talaga s’yang wala.
O mas tamang sabihin wala naman talaga s’ya. ‘Di naman talaga nag-exist sa buhay ko si Santa Claus.
*2011 pala nagsimula ang idea ng pagiging imaginary mo..
Okay na eh. Santa Claus.
LikeLiked by 1 person