2009

07/02/09 at 3:27 PM

08/10/09 at 10:44 AM

31 july 2009

Para sa’yo lemon… ,

Kamusta?… Antagal ko na ring gumagawa ng sulat para sa’yo, pero ‘yun, ‘di ko natatapos o kung matapos ko man, naitatapon ko lang. ‘eto sana matapos ko, maipadala ko, makarating sa’yo. So, ano kamusta ka? Five months na tayong ‘di nagkikita, malapit na mag-six… wala na ko balita sa’yo… Mabait naman ako kausap ‘di ba? Nung sinabi mong wag na ko magtext, di na ko nagtext, ewan ko nga ba’t nasend ko pa ang mga tuldok na yun sa facebook. Nasa proseso naman ako ng pag-absorb sa mga pangyayari eh. Minsan nga lang di ko alam kung nananadya ka o yung situation.

Aaminin ko, sobrang naging mahirap ‘yung acceptance sa ‘kin kaya nga siguro di ako makausad sa next stage ng ‘moving on’. Di ko alam kung magagalit ako sa’yo o sa sarili ko. Pero its better siguro magalit na lang sa’yo… madaya ka kse… madalas, lagi na lang, ewan ko ba, bakit di na lang isang bagsakan ang gawin mo…

Nung nagkita tayo, matapos ang ilang taon, sasabihin mo, nakalimutan mo ba’t nawalan tayo ng communication, ok sige, pagbigyang nakalimutan mo nga ang mga pangyayari. Pero sinabi ko naman sa’yo uli. Aware ka na nagbigay ka ng wrong signals dati, pero ginawa mo pa din… alam mo kung pa’no mo ‘ko tutunawin, alam mo matutunaw ako, ginawa mo pa din. Bakit ba kailangang magbiro ng “sige, ibabahay na lang kita para tumaba ka naman”, bakit ba kailangang maging mabait, palipasin ang dalawang linggo pero ‘di deretsuhing “Di kita mahal. Di kita kayang mahalin. ayoko sa’yo.” Alam mo naman sanay ako mabasted. Andun ka nung mga panahong nagdadrama ako k’se basted ako, iiyak ako, isa, dalawang beses pero makakausad ako. ‘Di tulad dito. Stagnant.

Mahirap magsabi kse kaibigan mo ‘ko? Yun nga yun eh,alam mo naman madali ako kausap, sige friends, tapos bigla na lang nagbago ka ng number walang pasabi. Friends. tapos makalipas ang isang buwan mula sa bagong number makakabasa ako ng “wag mo na ko itetext i already found the one i truly and deeply love”. ikaw unang nagtext, di ko na nga alam bagong number mo, tapos ganun… e di syempre alam ko na uli yung number mo. Text na naman tayo. Friends. Tapos eto, bigla nanaman “pls wag ka na magtetext nagagalit na partner ko” ok di na ko nagtanong “ok sorry” yun lang nasabi ko… Pinigilan ko na ang sarili ko sa pagtext. Dinelete na kita sa friendster ko. Ewan ko ba bakit nasend ko pa ang mga tuldok na yun sa facebook… Nagreply ka pa tuloy ng “bakit?musta?”, siguro yun kasalanan ko yun, ako nauna. Tapos eto makalipas ang ilang buwan uli, makakareceive ako ng tawag mula sa company n’yo, baka raw interesado ako mag-apply. (for the second time around). Gusto ko na nga sana isagot “interesado po kaya yung mga tao dyan na makatrabaho ako”.

Hahaha. (di ko yun sinabi, sabi ko lang di ako interesado.)

Pagkakataon nga naman.

Makalipas ang ilang buwan, payat pa rin ako (kahit kain-tulog gawin ko ganto pa rin) madalas may sapak sa utak, talo pa addict, minsan, naiisip kita, di naman maiiwasan yun.

Malapit na september…’wake me up when september ends’ nanaman ang motto ko nito… Advanced happy birthday na lang. Ingat na lang. Siguro merry christmas and happy new year na rin. Happy valentines’. At advanced ulit na happy birthday. Malamang ilang taon uli bago ka magparamdam uli. Uli. Kung may susunod pa. Sinulit ko na nga ‘to, baka kse huli na ‘to..(para sa taon na ‘to?!) Pero sana huli na ‘to. Sana pag nagkita tayo uli wala na kong ibibigay na mga naipong nag-iintay na sulat. Sana nga mapagod at magsawa na ko mag-intay. Sabi ko naman eh, ayoko na mag-intay pero pag inisip ko ng malalim,nagiintay pa rin ako.

Tongiks.

Kalahating taon na halos huminto yung buhay ko sa pagiintay na yun. Kailangan ko na paikutin ang mundo ko. Mahirap na abutin ng isang taon, baka makalimutan ko na pa’no yung umiikot na mundo, yung may liwanag.

07 august, 2009

Sabi ng prof ko, bago sa lahat dapat matutunan magbasa ng literalreading the lines. Bago pa ang inferential (reading between the lines) at critical(reading beyond lines). Mahirap daw magsimula sa nahuling dalawa.

Siguro nga tama nga yun. Dapat matutunan magbasa ng literal, una sa lahat. Mahirap kaseng binibigyan ng ibang kahulugan ang mga nababasa ayon sa nararamdaman. Di naiiwasang ibang-iba ang kahulugan.

Tulad ng, madalas, ginagawa ko.

Madalas iniisip ko na yung nakasulat na binabasa ko ay iba sa gusto mong sabihin. Iniisip kong may gusto kang sabihin pero di mo sinasabi na mababasa ko between at beyond the lines.

Pero, yun nga, maling-mali.

Bakit ba iniisip kong sinusubukan mo lang ako, pero wala naman akong ginagawa kundi mag-intay.

Tongiks.

Tongiks ko talaga.

09 august, 2009 (5:01pm)

Kamusta na? Nagtext pa talaga ako para lang sabihin ang presensya ng sulat na ‘to… kaso yun nga ‘di ko alam kung nakarating nga sa’yo ang pagpaparamdam ko ng presensya dahil di ko naman sinubukang imiscol man lang ang number na tinext ko…hahaha at biglang tumunog ang cellphone…akala ko ikaw na… asa.

A, oo nga pala ‘di man lang ako masyadong nagkwento kung ano na nangyari sa akin…makalipas ang halos anim na buwan nating ‘di pagkikita (Feb.19 ung huli e.) uhhmm… nag-aaral nga pala ko. 1yr Computer Programming sa Quezon City Polytechnic University , (San Bartolome campus, di dun sa tabi ng SM North.) Nalate k’se ako sa pag-enroll kaya close na ang BSIT kaya ComProg. Di ako pinayagang ipacredit yung mga subject ko kse nga 1yr. course lang kaya ulit ako ng English 1, Algebra at management. Pero try ko pa-credit next sem yung iba kong minor. ‘Yun, pinakabibong bata ako kse nga review na lang ang ginagawa ko…hahaha… this time di na ko matetres sa algebra! may classmate akong 15 yrs old… pero ok lang di naman daw halatang 25 na ko. masaya naman so far, kahit sumasakit ang ulo ko minsan magtutor sa mga classmate ko.. ‘di na ko bumalik ng kfc, mula nun, di pa rin ako nakakapagfile ng resignation…haha,tinatamad ako…

Ok naman sa school, naeenjoy kong magaral, nag-aaral na ko mabuti, nagrereview na nga ko, di tulad dati… naghahanap na ko kung saan ako mag-oojt… pero sabi nung prof ko s’ya na lang daw hahanap… dahil nga bibong bata na ko this time, kilala ko ng mga prof’ ko, di tulad dati, wala lang, alam nila buong pangalan ko.ganun!hehe, babaw ba? wala lang, nakakatuwa lang na natutuwa sila sa akin…

Isang beses palang ako umabsent, di kse ako nagising…problema ko pa rin ang pagtulog… di ko pa rin maayos schedule ng pagtulog ko,baliktad pa rin.

Di pa ako umuwi uli ng bulacan, last july pa yung huling uwi ko.. may project kse si angel, e drawing kya yun umuwi ako… yung bunso si allaysa, di nag-enroll kse mwf ung therapy nya, dahil nga dun sa problema nya sa muscles nya maliban pa dun sa butas nya sa puso… yun, sabi ni ate paalis na ang Tita ko pa-Canada, pero alam ko naman kaya nya sinasabi yun kse gusto nya talaga ako mag-abroad… nun pa nila inuungot sa akin yun… pero yun nga, malayo sa utak ko na pumunta sa ibang bansa…bahala na si Batman… baka hipan ng ibang hangin. ewan ko. pero malabo talaga.

Yun lang, wala naman masyadong ibang balita tungkol sa ‘kin…ok lang ako. Nakakalimutan na kita paminsan-minsan. Haha. Ikaw, kamusta ka na?

09/13/09 at 10:54 PM

Maagang bati…

Malapit na birthday mo… so, saan ang inuman?..a, di ka nga pala umiinom, kainan na lang? Sana lagi kang masaya, yun lang naman ang gusto ko e… lagi kang masaya.
Ako, okay lang naman.. mabait akong estudyante… kahit matanda pa ko dun sa iba kong instructor… di naman daw halata… hehe.. di na siguro ako mate-tres sa Algebra this time…uhhmm, ingat ka lagi..iwasan na sumama sa mall tour ni Piolo at Angel, lagi magdala ng flashlight, kain ng kain…

09/16/09 at 12:25 AM

re: maagang bati…

sana din palagi kang masaya..

ingat ka din palagi at goodluck sa lahat ng plans mo.

09/29/09 at 7:43 PM

…musta nung bagyo?…ngayon lang naayos line dito kya ngayon lang ako nakapag-internet…
naalala ko lang kse ikaw…baha kse pati trinoma at ilalim ng mrt… iniisip ko malamang pauwi ka pa lang ng mga oras na yun…
yun lang..
ako ayos lang…buti na lang walang pasok hanggang saturday… hehe,

11/12/09 at 3:39 PM

musta na?

uhm, malapit na ulit pasukan sa skul… hehe nga pala naka 1.25 na q s algebra..hehehe…

anu na balita sa’yo\?
(Sulat para kay elsie)

Author: bughawblueasul

Inhabitant ng Imaginary World... Sumakay ng Spaceship at kasalukuyang alien sa Planet Earth Inlove sa mga bagay na korni at may hugot...

2 thoughts on “2009”

  1. Peborit ko ang algebra. Haha. Until now, ‘pag may madugong financial template akong ginagawa dito sa office, nag-aalgebra ako sa notebook. Wahaha

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: