Natatandaan mo pa ba ‘tong movie na ‘to?
You can try to resist try to hide from my kiss
But you know, you know, you can’t fight the moonlit…
Sabi ko sa’yo gusto ko panoodin ung movie kse maraming sexyng babae. (Sexyng babae talaga ang rason. Haha.) Binigyan mo pa ‘ko ng article about dun sa movie kaya sabi ko sa’yo panoodin natin.
SM Centerpoint. Yun lang naman ang pinakamalapit na sinehan sa school.
Malamig.
Tayong dalawa lang ang nanood. Ewan ko ba bakit di tayo nagsama ng barkada natin. Kinidnap lang ba kita? Pinilit? Di ko maalala. O biglaan lang kita niyaya?
Wala pang 10 minutes sabi ko sayo malamig, nilalamig ako. Tumingin ka lang.
At hinawakan mo ang kamay ko.
Sino ba naman ako para di rin hawakan ang kamay mo?
Ako’y tao lang na nadadarang at natutukso din…
From time to time, ilalapit ko ang magkahawak na kamay natin para hipan… Hihipan ko para madagdagan ang init.
Pero mainit naman na.
Mainit na ang pakiramdam ko.
Hinihipan ko para maramdaman mo ko.
Di ko man masabi sa’yo, maramdaman mo.
(Sulat para kay elsie)
Haha buset ‘yung “Ako’y tao lang na nadadarang at natutukso din…” – kinanta ko with feelings.
SM Centerpoint. Hay. Daming memories.
LikeLiked by 1 person
Bwahahahaha SM Centerpoint… Lagi din kayo d’un? hahahahahahha
LikeLiked by 1 person
Oo. Wahahaha. Lalo na ‘pag suspended klase.
LikeLiked by 1 person