Bigla kita napanaginipan. Di ko alam kung bakit. Matagal-tagal na rin na ‘di kita naiisip. Hanggang eto… Ginulo mo nanaman ang mundo ko. Sorry, alam ko wala ka naman kasalanan kung napanaginipan kita. Adik lang ako para sabihin pa sa’yo. Nagmessage ako sa’yo sa Whatsapp. Iniisip ko kse baka may dahilan bakit kita napanaginipan. Same old me, milya na ang tinakbo ng storya sa utak ko dahil lang sa isang panaginip. Kaso, yun nga, same old you, ‘di ka man lang sumagot ng ‘kumusta din’ sa kumusta ko. Same old you, magpaparamdam kung kelan gusto magparamdam.
Pero ieedit ko na nga ang linya kong ‘dahil lang sa isang panaginip’, hindi lang yun, minsan lang kita mapanaginipan kaya ‘di maliit na bagay yun. Breakthrough ko na ngang masasabi ang panaginip na yun. Dahil sa panaginip na yun, nayakap kita, nahalikan. At nasabi kong mahal kita. At ‘di ka biglang nawala.
‘Di katulad ng laging nangyayari sa atin.
(Sulat para kay Elsie)